^

PSN Showbiz

Angelica matatalinhaga pa rin ang sinasabi

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Willing daw si Derek Ramsay na makatrabaho ang ex niyang si Angelica Panganiban at ang sinasabing bagong karelasyon nitong si John Lloyd Cruz. Siguro ang mas mahalagang malaman ay kung okay naman sa dalawa ang makatrabaho siya. Kung sinasabi man niyang naka-move on na siya, obviously hindi pa si Angelica.

‘Yun nga ang gustong malaman ng lahat, kung bakit bitter ito sa paghihiwalay nila ni Derek at matatalinhaga ang mga binitawang salita. Ito siguro ang dapat mabigyan ng linaw para maka-move na sila ng tuluyan.

Vice may natira

pang masculine side

 Maraming bading ang bata pa lamang ay alam na ang kasarian nila. Kaya mula pagkabata ay lalaki na ang gusto nila. Pero, si Vice Ganda pala ay naka-limang girlfriends pa bago siya bumigay. At kahit na ngayong tinanggap na ng lahat ang kasarian niya ay  nakaka-appreciate pa rin siya ng magagandang tsikas. Ito kaya ang masculine side niya o yung feminine side na kahit kapareho nila ang gender ay hinahangaan pa rin nila?

Ang maganda kay Vice inamin niyang ayaw niyang magkaanak. Ayaw din niyang mag-ampon. Sure siyang may mag-aalaga sa kanya sa kanyang pagtanda sa mga pamangking kinakalinga niya. Ayaw niyang magkaanak at pagkatapos ay laitin lamang dahil bakla ang ama nila.

O siya, siya, huwag kung ayaw. Nag-iisip Pa…

Hay Vero (Veronica Samio), ang daming tumatawag ng aking pansin dahil nalalapit na ang huling araw ng pagpa-file ng candidacy. Sa Friday na raw ito, bakit hindi pa ako kumikilos? Bakit nga ba hindi?

Ewan ko ba, tinatamad pa ako. At hanggang ngayon, nag-iisip pa ako. Gusto ko bang magpulitika? Sa kaibuturan ng aking puso, ayaw ko. Pero ang daming nagbibigay sa akin ng magagandang dahilan. Nakakataba ng puso. Hintay na lang tayo. May bukas pa naman.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

AYAW

DEREK RAMSAY

HAY VERO

JOHN LLOYD CRUZ

PERO

SA FRIDAY

VERONICA SAMIO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with