^

PSN Showbiz

Dahil sa sobrang manas, Katrina hindi na halos makilala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Kabuwanan na pala ni Katrina Halili at any moment ay isisilang na niya ang panganay nila ni Kris Lawrence.

Umapir kahapon si Katrina sa Party Pilipinas via VTR greetings dahil nagbigay siya ng birthday message para sa kanyang dyowa.

Manas na ang hitsura ni Katrina. Hindi nga agad nakilala ng televiewers ang dating sexy star dahil nagbago ang kanyang hitsura. Naging kahawig na ni Katrina ang businesswoman na si Cristina Decena. Puwede sila na mapagkamalang mother and daughter.

KC BULOL PA RIN

Mali naman ang pronunciation ni KC Montero sa introduction niya kahapon sa Party Pilipinas sa apat na Sanggre ng Encantadia.

Sanggra ang sinabi ni KC, hindi Sanggre ha? Matagal na si KC sa Pilipinas pero bulol pa rin siya sa pagsasalita ng Tagalog kaya hanggang hosting at rap na lang ang beauty niya. Hindi na matutupad ang dream ni KC na maging award-winning actor.

RAFAEL SANDALI LANG SA ‘ASO’

Si Rafael Rosell pala ang gumanap na tatay ni Mona Louise Rey sa Aso ni San Roque. Sandali lamang ang participation ni Rafael sa bagong primetime show ng GMA 7 dahil nakatoka siya sa remake ng Temptation of Wife na pagbibidahan ni Marian Rivera.

May special participation din sa Aso ni San Roque si Ehra Madrigal at ito ang love interest ni Rafael sa Aso ni San Roque. Subaybayan n’yo na lang ang fantaserye para malaman ninyo ang magiging papel ni LJ Reyes sa buhay ni Mona Louise Rey.

PAULO AT LJ HINDI TOTOONG HIWALAY NA, TULOY ANG PAGLI-LIVE-IN NILA

Takang-taka si LJ Reyes sa mga tsismis na hiwalay na sila ni Paulo Avelino. Ako ang itinuturo ni LJ na tanungin dahil alam ko raw ang real score sa love life nila ni Paulo.

Hindi totoo ang mga tsismis ’no! Masyadong love nina LJ at Paulo ang isa’t isa kaya hindi basta matitinag ng mga intriga ang kanilang relasyon. Ang bait-bait ni Paulo ’no! Husband material siya!

MISS SILKA MALAKI ANG IPAMIMIGAY

Si Wheyee Lozada ang punong-abala sa search for Miss Silka. Malalaking premyo ang matatanggap ng mga mananalo sa beauty search ng Miss Silka.

Ipapakilala sa akin ni Wheyee ang mga kandidata mula sa Metro Manila. Ongoing pa ang paghahanap ng Silka sa mga aspiring beauty queen mula sa mga probinsiya ng Laguna at Cavite.

HINDI NABABAKANTE

Hindi nawawalan ng project si Angel Aquino. Siya ang title role sa Amorosa ng Skylight Films at leading lady ni Cesar Montano sa Biktima. Kasali rin si Angel sa cast ng isang bagong TV series ng ABS-CBN.

Challenging ang role ni Angel sa Biktima, base sa trailer na napanood ko. Suspense-thriller ang Biktima at bida-kontrabida ang papel na ginagampanan ni Angel. Siya ang nagdala ng gulo at lagim sa pagsasama nina Cesar at Mercedes Cabral.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ASO

BIKTIMA

MISS SILKA

MONA LOUISE REY

PARTY PILIPINAS

PAULO

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with