^

PSN Showbiz

Actor na-trauma sa 'ginawa' ng ex!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sumusumpa ang isang actor na hinding-hindi na siya makikipagrelasyon sa taga-showbiz matapos siyang ‘mabiktima’ ng girlfriend na aktres.

Hindi man niya direktang aminin pero parang na-trauma na sa nangyari sa kanila na parang wala siyang kaalam-alam meron na palang nangyayari sa girlfriend at sa isa nitong kaibigan.

Actually, ayaw nang magsalita ng actor, basta ang sinabi lang niya hinding-hindi na mauulit ang pakikipagrelasyon niya sa taga-showbiz.

May mga nag-advice na rin sa kanya na tigilan na niya ang pagbanggit sa pangalan ng ex para hindi na maungkat ang isyu.

Nakinig naman ang actor at ngayon nga ay tahimik na siya at ’pag may nagtatanong tungkol sa aktres, iniiba na niya ang topic.

Xian aminadong mahilig talagang mamigay ng regalo

Dinumog si Xian Lim kahapon nang magkaroon siya ng meet-and-greet session para sa Inside Showbiz magazine (sa cinema lobby ng Trinoma, Quezon City) kung saan siya ang cover for September.

Grabe ang pila ng mga gustong magpa-autograph sa young actor na parang hindi napuyat sa ginanap na Magic Star Ball kung saan sila ni Kim Chiu ang magka-date.

Bago siya naging cover ng nasabing showbiz-oriented magazine, nanguna siya sa online polls – www.insidepinoyshowbiz.ph as 2012’s Inside Showbiz Hottest Man last August.   

Sa ginawang interview ng mag, nagkaroon sila ng rundown of the Top 10 reasons why he is set to be the next big leading man of his generation. At doon sinagot nila ang tungkol sa kanyang sense of style, kung paano niya tini-take ang mga negative criticism, ang kanyang pagiging hopeless romantic ayon sa kanyang onscreen partner na si Kim, at marami pang ibang isyung ipinupukol sa kanya.

Pero aminado naman siya kung paano niya ipinararamdam sa isang girl ang pagiging special nito.

“’Yung pagiging sweet ko, palaging intimate. If it’s gonna be me, it’s gonna be me; if it’s gonna be focused on you, it’s gonna be focused on you. I like giving people gifts to show them that I care,” pag-amin ni Xian na malamang ay siyang ginagawa niya ngayon kay Kim.

Bukod sa young actor, kasama rin sa nasabing edition ang buong detalye ng pagpapa-stem cell therapy ni Lorna Tolentino sa Germany.

’Yan at marami pang iba ang mababasa sa Inside Showbiz September issue. (Salve V. Asis)

vuukle comment

INSIDE SHOWBIZ

INSIDE SHOWBIZ HOTTEST MAN

INSIDE SHOWBIZ SEPTEMBER

KIM CHIU

LORNA TOLENTINO

MAGIC STAR BALL

NIYA

QUEZON CITY

SALVE V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with