^

PSN Showbiz

Smile, Dong Hae magsisimula nang magpakilig at magpaiyak

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inihahandog ng GMA Network ang pinakabagong Asianovelang tiyak na magpapakilig at magpapasaya sa mga manonood, ang Smile, Dong Hae. Mapapanood ito simula August 20, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Faithfully.

Ang light drama series na ito ay tungkol sa buhay ni Dong Hae / Carl Laker na pinagbibidahan ni Ji Chang Wook. Kasama rin dito sina Do Ji Won bilang Anna Laker, Oh Ji Eun bilang Bea Lee, at Park Jung Ah bilang Sophia Yun.

Si Dong Hae / Carl Laker ay lumaki sa US at pinalaki siya ng kanyang single at mentally-challenged na ina na nagngangalang Anna Laker.  Kinakailangan ni Dong Hae pumunta sa Korea para lumahok sa isang short-track skating competition at isasama niya ang kanyang ina rito. Papakiusapan ni Dong Hae si Sophia, ang kanyang ambisyosang TV announcer girlfriend para sunduin ang kanyang nanay sa airport, ngunit uunahin ni Sophia ang kanyang trabaho. Dahil dito, makikilala ni Dong Hae si Bea, isang mahirap na assistant chef at siya ang papapuntahin para sunduin ang kanyang nanay.  

Hihiwalayan din ni Sophia si Dong Hae at mas pipiliin pa niya ang isang hotel VP. Para maka-move on, hahanapin ni Dong Hae ang kanyang nawawalang ama at sa paghahanap nito makakakilala ito ng bagong pamilya at makakahanap ng bagong makakapagpatibok ng kanyang puso.

Magtatagpo pa kaya si Dong Hae at ang kanyang nawawalang ama? Sino-sino ang makakasama at makikilala ni Dong Hae sa kanyang life journey?

Alamin sa Smile, Dong Hae simula August 20, Lunes hangang Biyernes pagkatapos ng Faithfully sa GMA.

vuukle comment

ANNA LAKER

BEA LEE

BIYERNES

CARL LAKER

DO JI WON

DONG

DONG HAE

HAE

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with