^

PSN Showbiz

Carmina at Zoren itutuloy na ang civil wedding bago matapos ang 2012

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Labing-apat na taon na ngayong nagsasama sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak. Hindi pa kasal sina Zoren at Carmina pero noong nakaraang Mahal na Araw ay magpo-propose na dapat ng kasal ang aktor nang magbakasyon ang kanilang pamilya sa bansang Japan.

Ayon kay Zoren ay naudlot ang kanyang planong ito dahil sa ilang mga bagay. “Kinuntsaba ko na ’yung kambal, ’yung time na naisip ko ’yon, it was too late for me to buy a ring. So, maganda sa Japan na ako bibili, si Cassandra sumukat ng singsing. Noong nagbabayad na ako, ayaw tanggapin ng credit card ko. ’Yun pala ’di na-activate. Hanggang sa na-miss ko ’yung opportunity na ’yon. Sa tingin ko, ’yun na lang ang kulang sa buhay niya (Carmina).

“So, hopefully maganap itong taon ’yung talagang formality na mag-tie ng knot formally,” kuwento ni Zoren.

Ayon naman kay Carmina, malaki talaga ang posibilidad na matuloy na ngayong taon ang pinaplano nilang civil wedding. “May mga naisip na ako. Ayoko ’yung malaki kasi unang-una mahiyain kaming dalawa. We want it to be really, really simple. Kumbaga family-family lang talaga,” nakangiting pahayag ni Carmina.

Maging ang mga anak nilang sina Cassy at Maverick ay excited na sa mangyayaring kasalan.

“Maganda rin ’yung nangyari kasi parte rin sila ng plano at kung anumang excitement ang nararamdaman namin. As a family din alam mo ’yun, lahat ito, bonding ito. Lahat ito as a family,” giit ni Carmina.

Julianna aminadong daddy’s girl, sobrang fan din

Suportado ni Richard Gomez ang anak na si Julianna sa anumang ginagawa nito. Aminado rin ang bata na daddy’s girl siya dahil sa rami ng mga bagay na ginagawa nilang magkasama.

“The best thing about my dad is that he’s very supportive on what I do. We play sports together or he goes with me to training. We eat out. We eat a lot together. We laugh together. We cook together. We travel together,” kuwento ni Julianna.

Almost everyday is a memorable moment with my dad. He’s done a lot but I always like it when we do stuff together. Like when we ride our bikes at night or when we play in the rain or when I get wet from school, and we ride his motorcycle,” dagdag pa ni Julianna. “My dad is a very sweet husband to my mom. Like when my mom’s hungry at three in the morning, he’s gonna cook pasta for her, and he always finds time for me,” giit pa niya.

Hinahangaan din ni Julianna ang kanyang ama bilang isang magaling na aktor. Madalas niyang pinapanood ang Walang Hanggan kasama ng kanyang mga kaibigan.

“Me and my friends watch it every time they’re over here because my friends are really big fans and I bring them to the set sometimes. When my dad gets home, my mom always asks my dad what happened and what did he shoot so I always go out of the room and cover my ears or listen to my iPod because I want to keep guessing and I don’t wanna know what will happen next,” kuwento pa ng dalagita.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AYON

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

JULIANNA

RICHARD GOMEZ

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with