^

PSN Showbiz

News anchor ginawang Clorox ang chlorine

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Pinipintasan si Grace Lee sa kanyang trabaho sa TV5. Dahil lamang sa bumabakel siya at nagkakamali sa pagbigkas ng maraming salita.

Let’s give her time kasi bago lang siya. In due time ay gagaling din siya. Hindi lamang naman niya monopolisado ang pagkakamali. Isa ring news anchor ng TV5 ang minsan ay kinaringgan ko ng isang mala­king “kasalanan” nang sabihin niya, sa kasagsagan ng baha, na para malinis ang iinuming tubig ng manonood ay patakan ito ng Clorox gayong ang maliwa­nang na nakasulat sa TV screen ay chlorine. O ’di ba mortal sin ito?

Kinakain ni Iza dapat gayahin ng lahat

Hindi lang si Kris Aquino ang dapat gumaya sa mga kinakain ni Iza Calzado kundi tayong lahat.

Sa rami ng mga nagkakasakit na dulot ng hindi balanced diet, dapat maging aware na tayo sa mga kinakain natin, kung gusto nating humaba ang ating buhay.

Ella naging memorable ang birthday

Lahat ng tumutuntong ng kanilang ika-16th birthday ay gus­tong magkaroon ng party. Hindi naman naiiba si Ella Cruz na sa kanyang gulang ay nag­ta­tamasa na ng popu­laridad, kasikatan. Hindi kinaya ng kanyang kalooban na magsaya at magpa-party gayong marami ta­yong kababayan na sinalanta ng ha­­nging habagat. Sa halip ang ma­gagastos sana niya for a party ay idi­noneyt na lamang niya sa mga biktima. Namili rin siya ng groceries at ipinamahagi sa mga evacuation center.

Hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon, mas naram­da­man niya ang kaligayahan na dulot ng pagtulong sa mga na­ngangaila­ngan. Mas naging memorable pa ang kanyang birthday.

vuukle comment

CLOROX

DAHIL

ELLA

ELLA CRUZ

GRACE LEE

ISA

IZA CALZADO

KRIS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with