^

PSN Showbiz

Engrandeng sweet 16 party ni Ella, isinakripisyo para sa mga binaha

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Bagama’t labis na pinananabikan, mas pinili ng Aryana lead star na si Ella Cruz na ikansela na lamang ang nauna nang itinakda na magarbong Sweet 16 birthday para sa kanya. Sa halip na gumastos para sa kanyang gown at iba pang mamahaling bagay, ginawang mas makabuluhan ni Ella ang kanyang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtulong sa Pilipino na nasalanta ng malawakang baha kamakailan.  

“Dapat po may big party para sa birthday ko, pero dahil po sa nangyari sa mga Ka­pa­milya natin, naisip ko na lang po na tumulong,” ani Ella. “Instead na gumastos nang malaki para sa party, nag-donate na lang po kami sa mga biktima ng baha at bumili ng relief goods para po mas maraming tao ang mapaligaya ko birthday ko.”

Nang tanungin ang primetime prin­cess ng ABS-CBN ng kanyang birthday wish, labis-labis na raw ang sayang nararamdaman niya sa blessings na natatanggap niya nga­yon. Aniya, “Naibigay na po ng ABS-CBN ‘yung mga wish ko at kahit ‘yung mga hindi ko po hinihiling ay binibigay po nila sa akin. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako sa Kapamilya Network dahil tinupad nila ang mga pangarap ko.” 

Mistulang maagang birthday gift para kay Ella ang pagkumpirma kamakailan na extended hanggang Enero 2013 ang kanyang top-rating fantaseryeng Ar­yana. 

“Hindi ko po talaga inaasahan na mae-extend po ang Aryana at mamahalin po kami ng tao nang ganito ka-espesyal. Super thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta at sumasama sa paglangoy ni Aryana,” pahayag ni Ella.

Samantala, tulad ng busy showbiz career ni Ella, patuloy din ang sunud-sunod na maiigting na tagpo sa buhay ni Aryana ngayong malapit na siyang mapunta sa mga kamay ni Neptuna (Desiree del Valle). Paano magbabago ang buhay ni Aryana kapag napunta siya kay Neptuna? Makababalik pa ba siya sa kanyang pamilya? Ano ang gagawin ni Ofelia (Pokwang) para mabawi si Aryana sa taong nagbigay sa kanya ng sumpa?

Patuloy na tutukan ang Aryana, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag TV Patrol. 

Highest rated telenovela ng Korea ipinalalabas sa GMA 7

Simula kahapon, Aug. 13, inihahandog ng GMA Network ang pinakabagong Asianovelang tiyak na pupukaw sa damdamin at magpapakilig sa mga manonood, ang Moon Embracing the Sun. Mapapanood ito Lunes hangang Biyernes bago mag-24 Oras sa GMA K Prime.

Ang Moon Embracing the Sun ang tinaguriang highest-rated drama ng taon sa South Korea. Ito ay nanalo ng best drama at best actor sa katatapos lamang na 48th Baeksang Awards. Ang seryeng ito ay pinangungunahan ng dalawa sa most sought-after na artista sa South Korea ngayon. Si Kim Soo Hyun ay gaganap bilang Lee Hwon at si Han Ga In bilang Yeon Woo /Wol.

Ang drama series na ito ay isang historical-fantasy love story sa pagitan ng isang hari at ang kanyang pinakamamahal na crown princess na akala niyang patay na ngunit nagbabalik bilang isang shaman, isang indibidwal na gumagamit ng magic para makapagpagaling ng may mga sakit at magkontrol ng mga pangyayari.  

Si Lee Hwon ay nakatakdang maging first Sun o Hari ng Joseon at naranasang umibig sa unang pagkakataon kay Yeon Woo, na siya namang nakatakdang maging first Moon o Reyna ng Joseon. Ngunit biglang nagkasakit at namatay si Yeon Woo ilang araw bago ang kanilang royal wedding ceremony. Habang lahat ng tao ay inakalang patay na siya, nailigtas pala ito ni Jang Nok Young, isang head shaman.

Walong taon ang nakalipas, naging hari na ng Joseon si Lee Hwon. Isang araw, makakaharap niya ang isang shaman na kahawig ni Yeon Woo at papangalangan niya itong Wol. Dahil sa pagkakahawig nito sa kanyang pinakamamahal, magdududa si Lee Hwon sa rason ng pagkamatay ni Yeon Woo at magdedesisyon na imbestigahan ang pagkamatay nito.

Mananaig ba ang kanilang pagmamahalan at malalagpasan ang mga pagsubok na darating? Ma­kukuha ba muli Yeon Woo bilang isang shaman ang nararapat na para sa kanya, ang pagiging Reyna ng Joseon?

Subaybayan sa Moon Embracing the Sun gabi-gabi.

Walang kamatayang kanta ng Eraserheads bidang-bida

Dobleng saya ang hatid sa fans ng iconic Filipino pop-rock band na The Eraser­heads ngayong Agosto dahil bukod sa pagpapalabas sa Miyerkules (Agosto 15) ng pinakaaabangang ultimate barkada movie of the year ng Star Cinema na The Reunion, patuloy rin ang Star Records sa pagsulong ng top-selling barkada soundtrack of the year na The Reunion: An Eraserheads Tribute Album.  

Habang bida sa pelikulang The Reunion ang anim sa sikat na young stars ng bagong henerasyon kabilang sina Enchong Dee, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julia Montes, Kean Cipriano, at Xian Lim; tampok naman sa The Reunion album ang natatanging pagsasama-sama ng ilan sa pinakamahuhusay na rock bands at solo artists ng bansa. 

Ang The Reunion: An Eraserheads Tribute Album ay nagbibigay pugay sa ilan sa mga walang kamatayang musikang nilikha nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro kabilang ang Alapaap na inawit ng 6Cyclemind kasama si Eunice ng Gracenote, Minsan ng Callalily, Overdrive ni Vin Dancel, Fine Time ni Marc Abaya ng Kjwan, Super Proxy ng Razorback kasama si Gloc9, Kailan ni Ney at Yeng Constantino, Kaliwete ng Hilera, Maling Aka­la ng Itchyworms, Ligaya ng Mayonnaise, Pare Ko ni Johnoy Danao, Ang Huling El Bimbo ni Jay Durias, Magasin ng Chicosci, With a Smile ni Aiza Seguerra kasama si Mike  Villegas, at Hey Jay ng Tanya Markova.

Para sa moviegoers, ang The Reunion album ay mas espesyal dahil ang tracks nito ay soundtrack ng ilan sa pinakamahahalagang eksena sa pelikula.

“’Yung mga banda at solo artists na part ng album ay gumawa ng version nila ng mga kanta ng Eraserheads. ’Yung areglo nila ay binase kung paano ginamit sa mga eksena sa movie,” sabi ni Kean, na isa sa lead stars ng The Reunion movie at lead vocalist ng bandang Callalily na bahagi rin ng The Reunion album.

Samantala, inanunsiyo kamakailan ng Star Records na extended hanggang Agosto 31 ang Soundtrip to Roadtrip Promo kung saan magkakaroon ng pagkakataong manalo ng Chevrolet Spark ang sinumang bibili ng The Reunion CD sa piling record bars ng SM, Astro, at Odyssey Music. Magaganap ang raffle draw sa Sept. 14. Para sa buong detalye ng promo, maaaring bumisita sa Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecords­phil.

vuukle comment

ARYANA

ELLA

JOSEON

LEE HWON

PARA

REUNION

SHY

YEON WOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with