^

PSN Showbiz

Standing ovation din nang mag-beatboxing, Queenierich Rehman napansin sa Miss World

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Napansin daw sa 2012 Miss World ang Philippine delegate na si Queenierich Rehman dahil sa kanyang beauty at talent sa beatboxing.

Standing ovation ang natanggap ni Rehman nang mag-perform ito sa talent night ng Miss World at kasali siya sa Top 40 ng Beach Beauty Competition.

Dahil napansin siya sa nasabing beauty pageant, marami ang nagsasabi na malaki ang tsansa na maiuwi niya ang Miss World crown.

Gaganapin ang coronation night sa August 18 sa Inner Mongolia at mapapanood ito sa TV5, ang media partner ng Miss World.

Asong napansin sa cinemalaya kinontrata ng GMA 7

Star na si Princess, ang aso na napansin ang acting sa Bwakaw, ang indie movie na pinilahan sa 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.

Bida si Princess sa Ang Aso ni San Roque, ang bagong primetime show ng GMA 7 na malapit nang simulan.

Nagkaroon ng story conference noong Huwebes ang show na pagbibidahan ni Princess na pinalakpakan dahil nagpakitang-gilas siya.

Umapir si Princess sa storycon at parang tao siya na pinakinggan ang explanation tungkol sa magiging kuwento ng Ang Aso ni San Roque, ang tentative title ng teleserye.

Reunion project nina Princess at Eddie Garcia ang Aso ni San Roque, matapos nilang magbida sa Bwakaw na isa sa mga successful movie sa 2012 Cinemalaya.

Six months ang exclusive contract na pinirmahan ni Princess sa Kapuso Network.

Ka-join din sa cast ng Ang Aso ni San Roque sina Paolo Contis, Angelika dela Cruz at ang child star na si Mona Louise Rey.

Jennylyn hindi dinibdib ang nawalang P300,000

May bagong problema si Jennylyn Mercado dahil na-swindle ito ng isang tao na malapit sa kanya. Ang tsismis, halos P300,000 ang na-getlak ng tao na umabuso sa tiwala at kabutihan ni Jennylyn.

Ayaw nang dibdibin ni Jennylyn ang panloloko sa kanya dahil kikitain daw naman niya ang datung na tinangay ng swindler.

Magsasalita  bukas si Jennylyn sa H.O.T. TV tungkol sa kanyang mapait na karanasan.

Dra. Belo magsasalita na tungkol sa pagpa-stem cell

Pumayag si Dra. Vicki Belo na umapir bukas sa pilot telecast ng H.O.T. TV  ng GMA 7.

Ang stem cell therapy ang pag-uusapan at bilang na-try na niya ang procedure, magsasalita si Mama Vicki tungkol sa kanyang mga karanasan.

Si Mama Vicki ang sponsor sa stem cell therapy ko kaya love na love ko siya.

Eat Bulaga nagluluksa

Nagluluksa ang cast at production staff ng Eat Bulaga dahil sa pagpanaw ni Aling Luding, ang resident make up artist ng number one noontime variety show ng bansa.

Thirty-three years na make up artist ng Eat Bulaga si Aling Luding kaya kapamilya na ang turing sa kanya ng lahat. Nag-alay kahapon ng dasal ang Eat Bulaga para sa pioneer make up artist na namayapa.

Top 20 Aspirants ipakikilala na ng Protégé

Ipapakilala bukas ng GMA 7 ang Top 20 aspirants sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

Ang Top 20 aspirants ang maninirahan sa Protégé House at mabibigyan ng big chance na matupad ang kanilang dream na maging artista

vuukle comment

ALING LUDING

ANG ASO

ANG TOP

BEACH BEAUTY COMPETITION

EAT BULAGA

JENNYLYN

MISS WORLD

PROT

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with