^

PSN Showbiz

Sarah Lahbati nahuhulog na ang loob kay Richard?!

- SVA - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Lalong gumaganda ang mga eksena sa inaabangang teledrama ng Kapuso network, ang Makapiling kang Muli. 

Kaya naman marami ang nahuhumaling sa gumagandang kuwento ng nasabing serye. 

Chika ng isang source, nagiging malapit na nga daw ang dalawa sa mga hinahangaang artista ngayon na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Matapos silang mamataan sa Premiere Night ng Boy Pick-up, tila lalong na­giging maganda ang kanilang samahan. 

Nagpapatunay dito ay ang mga larawan na pinost ni Sarah sa kanyang instagram account (@sarahlahbati), masisilayan ang piling litratong magkasama sila ni Richard kung saan nababakas ang pagiging kumportable nila sa isa’t isa. 

Sa mga susunod na episodes ng Makapiling kang Muli, mababakas ang pag-iwas ni Martin (Richard Gutierrez) kay Graciela (Sarah Lahbati) dahil ayaw niyang manulot ng nobya at ayaw niya ring lumabas na malandi si Graciela na papatol sa kahit kanino lamang. 

Dahil dito labis na masasaktan ang loob ni Graciela, masasampal niya si Martin at pupunta ng kagubatan para makalimot.

Magkaroon pa kaya ng pagkakataon na maamin ni Graciela na kailangan niya si Martin? Paano na si Louie?

Huwag palampasin ang lalong tumitinding mga kaganapan sa Makapiling kang Muli, pagkatapos ng Luna Blanca sa GMA Telebabad.

MMK episode tungkol sa menor de edad na hinalay sa harap ng ina, pinayagan na ng MTRCB

May ‘go signal’ na mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pinakaaabangang pagpapalabas ng kontrobersiyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na tungkol sa isang dalagitang hinalay ng kanyang amain sa tulong ng mismong nanay niya. Nakatakda na itong iere ngayong Sabado (Hunyo 30). 

Mula sa unang rating na ‘X,’ nabigyan na ng MTRCB ng rating na ‘SPG’ na o ‘strong parental gui­dance’ ang mapangahas na ‘Cursed Beauty’ epi­sode na pagbibidahan ng dating Goin’ Bulilit child star na si Jane Oineza. Ang ‘SPG’ rating ay ipi­nag­kaloob sa naturang palabas matapos dumaan sa masusing proseso ng ahensiya magmula nang i-postpone ang pag-ere nito noong Hunyo 2. 

Bagama’t paulit-ulit nang hinalay ng kanyang amain, walang mas sasakit pa para sa 15-anyos na si Nene (Jane) nang minsang ang mismong nanay niya ang tumulong upang maisakatuparan ang masamang balak ng kanyang kinakasama. Paano pa nga ba muling bumangon at mabuhay kung sarili mong ina ang katuwang para mawasak ang iyong pagkababae? 

Kasama ni Jane sa MMK episode sina Angel Aquino, Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco, at Elaine Quemuel. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

vuukle comment

ANA ABAD SANTOS

ANGEL AQUINO

ARCHIE ALEMANIA

GRACIELA

MAKAPILING

MULI

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with