^

PSN Showbiz

Dumaan sa maraming proseso, sosyalerang aktres, hindi nakilala sa mega event, nag-iba na naman ang hitsura ng mukha!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Pinagtsismisan pati sa Twitter ang malaking ipi­nagba­go ng mukha ng aktres dahil ibang-iba sa origi­nal face niya. Dumalo sa isang mega event ng mga sosyalera ang aktres at kahit maraming cele­brities that night, hindi nakaligtas sa marami ang pagbabago ng kanyang mukha.

Botox ang naisip na rason sa pagbabago ng mukha ng aktres pero sa nakita naming picture ng aktres, baka dumaan siya sa iba pang proseso nang pagpapaganda.

Isa lang kami sa nagugulat kung bakit kinailangan pang ipagalaw ng aktres ang mukha eh, maganda na siya. Ano pa?

Football player na karelasyon ni Michellle hindi seloso

Inamin na ni Michelle Madrigal sa presscon ng Faithfully na boyfriend niya ang football player ng United Football League o UFL. Taga-El Salvador ang guy na seven months na niyang karelasyon pero hindi binanggit ng aktres ang pangalan ng BF.

Pumasok kami sa Twitter, nag-research at ’yun, na­kuha namin ang name ng nobyo ni Michelle at siya’y si Jonahan Romero at naglalaro para sa Guam. Sa isang tweet nito, tinawag niyang “hunny” si Michelle.

“Very understanding, very open at ’di nagseselos sa guy friends” ang mga uga­ling nagustuhan ni Michelle sa BF. Kampante kung ganoon ang aktres na hindi nila pag-aawayan ng BF ang kissing scenes niya sa Faithfully.

Laging afternoon soaps ang ibinibigay ng GMA 7 kay Michelle, hindi ba siya nag­wi-wish na isama naman siya sa primetime?

“Big deal siyempre ’pag nagka-primetime soap ako, as of now, okay ako sa af­ter­­noon soap. Masaya sa afternoon soap, mas mataas ang expectations dahil mataas lagi ang ratings,” sabi ng sexy actress.  

Janine swak sa bagong ka-loveteam

Nakahanap na ang GMA 7 nang ila-love team kay Janine Gutierrez at ito’y si Benedict Campos. Silang dalawa ang magkatambal sa Ma­kapiling Kang Muli at sa Sunday drama se­ries na Together Forever na airing na sa Sunday, June 17.

Tsika ni Janine, dapat kuya nila nina Elmo Ma­galona at Renz Valerio ang role ni Benedict sa Together Forever pero biglang binago dahil magka-love team sila sa Makapiling... Sobrang okay sa binata na ka-love team ang dalaga pero mag-aagawan pala sila ni Steven Silva kay Janine sa Together Forever.

Feeling ni Janine, magkakasundo sila ni Benedict dahil marami silang pagkakapareho. “Also, he’s from La Salle and I’m from Ateneo,” sabi nito.

First youth-oriented show ni Janine ito at matagal na niyang gustong mapasama sa ganitong show na kaedad niya. Wish niyang mataas ang ratings nito at magtagal, kaya ginagalingan nilang lahat ang trabaho nila.

Bumabawi naman si Benedict na matagal nawala’t Grazilda pa ang last soap.

Graduate ng political science ang binata.

Anne at Maricar trip ni JC

Maganda ang Q&A kay JC de Vera ng kanyang fans via Twitter. Lahat ng tanong ay sinagot ng isa sa mga bida ng Valiente, pati gay issue. Ayaw niyang gumanap na bading at lalong hindi siya papatol sa mga bading.

Sa tanong kung sino ang pinakamatagal niyang nakarelasyon, “Aifha Medina” ng Sexbomb ang sagot ni JC.

Pero kung may babalikan siya sa kanyang mga naging ex, Danita (Paner) ang binanggit.

Sa ABS-CBN, sina Anne Curtis at Maricar Reyes ang crush ni JC dahil stunning ang dalawa pero sina Kaye Abad, Kim Chiu, at Maja Salvador ang gustong makatrabaho. Sa TV5, crush niya sina Danita, Jasmine Curtis, at Arci Mu?oz at sa GMA 7, sina Carla Abellana, Yassi Pressman, at Sarah Lahbati.

vuukle comment

AIFHA MEDINA

AKTRES

ANNE CURTIS

ARCI MU

BENEDICT CAMPOS

JANINE

MICHELLE

SHY

TOGETHER FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with