^

PSN Showbiz

Aktres na basta-basta na lang iniwan ng BF, gustong magpakamatay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Tinakot kami ng nakausap naming aktres. Magsu-suicide raw siya dahil hindi na alam ang gagawin sa buhay niya. Na-depress ang aktres sa biglang paglayo ng ex-BF nang hindi sinasabi ang rason.

Matatanggap naman daw niya ang break-up nila basta sinabi lang nang maayos, hindi ‘yung basta na lang na-lost at wala silang closure. Hindi na nak­pagkita ang guy at ayaw na ring sagutin ang text at tawag niya, ang feeling ng aktres, kasalanan niya ang break-up nila. Tapos nalaman na lang nito na may iba nang dini-date ang ex at isinasama sa mga event na siya dati ang kasama.

Naging numb kami habang kausap ang aktres dahil tipong seryoso sa balak na pagpapakamatay, payo naman kami nang payo. Bigla na lang humirit ang hitad na may Twitter account siya at i-follow namin siya. Wala na sa isip nito ang suicide dahil paano namin siya ipa-follow sa Twitter kung tsugi na siya?

Hindi alam ng aktres na gusto namin siyang sa­bunutan sa pananakot sa amin. Lukaret ang hitad! Ayaw muna namin siyang i-follow sa Twitter at baka kung anu-ano ang mga pino-post, maluka rin kami.

Jon Santos guest sa concert ni Sarah

 ‘Katuwa si Jon Santos at ipina-off-the-record ang repeat ng 24/SG concert ni Sarah Geronimo sa July 21, sa Smart Araneta Coliseum. Hindi nito alam na nasulat na ang repeat kahit sa July 7 pa ang concert dahil sold out ang tickets. Guest kasi si Jon sa repeat ng concert ni Sarah bilang isa na siyang Viva talent since January.

Tuwang-tuwa si Jon sa rami nang naka-line-up niyang shows mula nang maging Viva talent siya at isa na rito ang In.Person.Nation na gaganapin sa Teatrino sa Promenade, Greenhills sa June 15, 16, 22 a7 23. Produced ito ng Gran Obra Inc. at sa direction ni Chari Arespacochaga.

Matatawa ang audience sa marami niyang i-impersonate, kasama ang Love in 3D at Life in 4S (the S issues: Scarborough, Supreme Court sessions, Showbiz scandals at Sanchez, Jessica).

Mga anak ni Benjie hindi muna magso-showbiz

Thankful si Benjie Paras sa GMA 7 dahil magtatapos pa lang ang Alice Bungisngis, may kasu­nod na agad siyang soap. Kasama siya sa One True Love bilang si Douglas, ang best friend ni Tisoy (Alden Richards) at happy ito dahil sa primetime siya uli mapapanood and this time, hindi lang comedy ang gagawin.

Walang cut-off sa taping si Ben­jie at hanggang gusto ni direk Andoy Ranay, puwede siyang mag-taping. Puwede siyang mag-request na mag-pack up kung may importante siyang lakad. Sa Monday na ang pilot ng One True Love after Makapiling Kang Muli.

Star material ang dalawang ba­gets na anak ni Benjie, pero sa basketball ang focus nina Andre at Kobe (16 & 14 years old at 6’5” at 6’3” ang height res­ectively). Kung magsu-showbiz man ang mga anak, sa hosting daw gusto.

Kuwento ni Benjie, magulo sa bahay nila ‘t puro lalake ang apat na anak at masaya sa pagkain, malalakas daw kumain ng rice ang mga anak. Hahaha!

Ehra natakot nang makita kung gaano kalaki na ang katawan

 “Nagdadalaga na ako” ang sagot ni Ehra Madrigal nang punahin ng press ang laki ng ipinayat nang humarap sa presscon ng Daddy Dearest. Natakot daw siya nang makita ang sarili sa TV kung gaano siya kalaki, kaya nag-decide na mag-diet.

Mabagal ang pagpayat niya sa yoga at boxing, samantalang sa Cohen Diet, three months palang, 28 lbs., agad ang nawala sa kanya. Hindi nito sinabi ang weight niya ngayon dahil ipa-plus daw namin sa nabawas sa kanyang timbang at malalaman kung gaano siya kalaki.

Sa kanyang timbang ngayon, puwede raw siyang lumevel kay Jolina Magdangal na makakaribal niya kay Ogie Alcasid. Comedy ang Daddy Dearest at supporting si Ehra, wish pa rin niyang magbida at gumawa ng action.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALICE BUNGISNGIS

BENJIE

DADDY DEAREST

JON SANTOS

NANG

ONE TRUE LOVE

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with