^

PSN Showbiz

Emergency response team ng NEWS5 aalalay sa mga motorista

-

MANILA, Philippines - Kasabay ng inaasahang pagdagsa ng libu-libong motorista patungo sa kani-kanilang probinsiya ngayong Semana Santa, nakahanda ang Rescue5 (emergency response team ng NEWS5) na umalalay sa mga Kapatid sa kalsada sa pamamagitan ng mga safety information plug na umeere ngayon sa TV5 at sa news channel nito na Aksyon TV ngayong panahon ng Kuwaresma. 

Ang naturang serye ng mga road safety interstitials na ibabahagi ng NEWS5 anchor na si Paolo Bediones ay naglalayong magbigay ng makabuluhang tips upang masiguro ang mapayapang paglalakbay ng mga motorista. 

Bukod sa mga paalala sa TV, katuwang din ng publiko ang Rescue5 para sa mas ligtas na paglalak­bay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga first-aid station at public assistance desk sa Manila North Harbor, Araneta bus terminal at North Luzon Ex­pressway (NLEx). Hatid ng desk sa mga Kapatid na motorista ang libreng blood pressure monitoring, ken­di at inuming tubig (katuwang ang Maynilad), at cell phone charging sa tulong ng One Meralco Foundation. 

Manatiling nakatutok sa TV5, Aksyon TV, Radyo Sing­ko 92.3 News FM at InterAksyon.com para sa ligtas at mapayapang pagdaraos ng Semana Santa.

vuukle comment

AKSYON

KAPATID

MANILA NORTH HARBOR

NORTH LUZON EX

ONE MERALCO FOUNDATION

PAOLO BEDIONES

RADYO SING

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with