^

PSN Showbiz

Sharon naalala pa ang galit nang pakasal si Gabby kay Jenny!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natuloy ang guesting namin ni Mama Cristy Fermin sa bagong talk show ni Sharon Cuneta sa TV5.

Ginanap ang taping sa magandang studio ng TV5 sa Delta Theater at naging masaya ang aming interbyuhin portion.

Sinabi sa akin na ipalalabas ngayong April ang guesting namin ni Mama Cristy pero hindi ko knows ang exact date. Basta ang alam ko, daily ang show ni Sharon dahil mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon.

Hindi magkakatotoo ang tsismis na once a week na lang ang talk show ni Sharon dahil mismong ang TV5 boss na si Perci Intalan ang nagsabi sa akin ng Monday to Friday telecast ng programa ng Megastar.

Hindi ako nagulat nang sabihin ni Sharon na galit na galit siya noon sa akin dahil sa biglang pagpapakasal ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia.

Muntik nang magkabalikan sina Gabby at Sharon noong 1993 pero hindi natuloy dahil pumasok sa eksena si Jenny na pinakasalan agad ni Gabby.

Naimbiyerna sa akin si Sharon dahil ang feeling niya, ako ang may kagagawan kaya naudlot ang reconciliation nila ni Gabby, pati na ang pagpapakasal nito kay Jenny.

Hindi ako affected sa revelation ni Sharon dahil hindi ko naman pinilit si Gabby na magpakasal kay Jenny. Hindi naman ako ang nakisama kay Jenny ha?

Kung anuman ang mga nangyari noong 1993, si Gabby din ang may kagustuhan dahil hindi ko siya mapipilit sa isang bagay na ayaw niya.

May isang eksena sa show ni Sharon na hindi mapapanood ng mga televiewers dahil siguradong na-edit.

Hindi ko sasabihin ang controversial scene na tinutukoy ko dahil hindi ko pinangarap na magulo ang buhay namin ni Sharon. Tama na ’yung nalaman ko ang tunay na dahilan ng...

Sorry, hindi ko talaga sasabihin!

Marami ang agree sa sinabi ni Sharon na hindi ito plastik na tao dahil kung plastikada siya, hindi niya babanggain ang mga naninira sa kanya sa Twitter.

Kung plastikada si Sharon, magpapa-tweetums siya sa kanyang tweet, kesehodang tinatapak-tapakan ng mga bashers ang pagkatao nila ni KC Concepcion.

Hindi na rin apektado si Sharon sa mga pumupuna sa size ng kanyang katawan dahil komportableng-komportable na siya sa figure niya ngayon.

Masaya ang naging takbo ng guesting namin ni Mama Cristy sa talk show ni Sharon kaya hindi ko namalayan ang oras.

Inabot ng gabi ang taping namin pero hindi ako nagsisi dahil bongga ang talent fee na natanggap ko.

Isang oras lang yata ang show ni Sharon sa TV5 at sa haba ng aming tsikahan portion, siguradong kulang ang isang oras, maliban na lang kung mag-decide ang production staff na gawin na two parts ang pag-apir namin ni Mama Cristy.

Teka, bago ko makalimutan, Sharon, Kasama Mo Kapatid ang complete title ng talk show ni Sharon.

Gaya nang sinabi ko, magsisimula ngayong April ang telecast sa pinakahihintay na talk show ng Megastar.

Ang Delta Theater ang temporary studio ng Sharon, Kasama Mo Kapatid habang ginagawa ang mala­king studio ng TV5 sa Mandaluyong City. Kung hindi ako nagkakamali, isang taon na uupahan ng Kapatid Network ang Delta Theater na ginastusan ng TV5 ang renovation.

vuukle comment

ANG DELTA THEATER

CRISTY FERMIN

DAHIL

DELTA THEATER

KASAMA MO KAPATID

MAMA CRISTY

SHARON

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with