^

PSN Showbiz

Katrina magbabakasyon sa Palawan ng ilang buwan kapag lumobo na ang tiyan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagsalita na kahapon si Katrina Halili sa Startalk tungkol sa pagbubuntis niya sa magiging panganay na anak nila ni Kris Lawrence.

Inabangan ng mga viewers ang pagtatapat ni Katrina sa kanyang tunay na kalagayan dahil marami ang nagulat na patuloy pala ang relasyon nila ni Kris. Ang buong akala ng mga tao, nagkahiwalay na sila noong 2009.

Bakas sa mukha ni Katrina ang kaligayahan sa bagong chapter ng kanyang buhay. ’Yun nga lang, wala pa silang plano ni Kris na magpakasal.

Hindi pa nagsasalita ang boyfriend tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend pero nagbitaw siya ng pangako na magpapa-interbyu sa susunod na linggo. Singer-composer si Kris. Nag-compose siya ng mga kanta na dedicated niya kay Katrina. Ang kanyang dyowa ang naging inspiration ni Kris sa pagsulat ng mga love songs.

Nalaman ni Katrina na buntis siya noong nakaraang buwan. Nakaramdam siya ng madalas na pananakit ng likod at epekto na pala ito ng kanyang pagbubuntis.

Inamin ni Katrina na nagpaalam ito sa management ng GMA-7 na iiwan na niya ang My Beloved pero hindi siya pinayagan dahil importante sa show ang kanyang karakter na ginagampanan.

Mabubuntis ang role ni Katrina sa My Beloved kaya swak na swak ito sa kanyang real-life situation.

Plano ni Katrina na magbakasyon sa Palawan ng dalawa hanggang tatlong buwan kapag lumaki na ang kanyang tiyan.

Ang Palawan ang probinsiya ni Katrina at ng kanyang pamilya. In fairness sa aktres, can afford si Katrina na magbakasyon o mawala nang matagal sa showbiz dahil maayos ang pamumuhay doon ng kanilang pamilya.

Boto kay Katrina ang pamilya ni Kris sa Amerika. Na-meet na niya ang mga magulang ni Kris nang magbakasyon sila sa US noong 2009.

Excited ang nanay ni Kris dahil magkakaroon na siya ng apo sa kanyang anak. Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang ipinagbubuntis ni Katrina ang unang magiging apo ng mga magulang ng kanyang boyfriend.

American citizen si Kris, puwedeng maging American citizen ang coming soon baby nila ni Katrina kung pipiliin nito na magsilang sa US.

Ipinagbubuntis ni Katrina hinuhulaang babae

Babae ang hula nina Alyssa Alano at Joey de Leon sa bagets na lumalaki sa sinapupunan ni Katrina.

Gandang-ganda si Alyssa kay Katrina kaya may kutob siya na baby girl ang ipinagbubuntis ng sexy star.

Hindi pa alam ang gender ng bagets dahil tatlong buwan pa lamang ito. Sa tantiya ni Katrina, malalaman niya ang kasa­rian ng bagets sa fifth month ng kanyang pregnancy.

Hoping si Katrina na maibabalik nito ang seksing pangangatawan kapag na­isi­lang na niya ang baby nila ni Kris. Sure na mapapadalas ang pagpunta niya sa gym para mawala ang unwanted pounds sa kanyang katawan.

vuukle comment

ALYSSA ALANO

ANG PALAWAN

KANYANG

KATRINA

KATRINA HALILI

KRIS

KRIS LAWRENCE

MY BELOVED

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with