^

PSN Showbiz

PNoy rumesbak, Edu 'nakuryente' mabilis nag-sorry!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mabilis ang denial ng Malacañang kahapon sa tweet ni Edu Manzano na nakita sa Promenade Greenhills na magkasama sina Pangulong Noynoy Aquino at girlfriend na si Grace Lee. Tweet kasi ni Edu (@RealEduManzano) “PNoy and Grace Lee spotted at Promenade Greenhills today (yesterday). In the middle of the day. To be fair, it IS a nice day for a leisurely stroll.”

Nasa National Economic Development Authority (NEDA) meeting daw ang pangulo kahapon sa Aguinaldo State Dining Room in Malacañang, not in Ortigas - ang oras na sinasabing naglalamyerda si PNoy at ang radio and TV personality sa GH.

Pero agad namang nag-sorry si Edu. Inamin niyang nakuryente siya sa balita. “Sorry for the confusion, everyone. In local parlance, “nakuryente” ako, and I was foolish to tweet unconfirmed chismis.”

Dahil nga ‘kuryente’, inulan si Edu ng katakut-takot na batikos. Pero nag-react siya : “And to those who have posted personal attacks against me, I sincerely understand. Lord knows I’ve given you a lot of material to work with.”

At maging ang presidente ay nag-react sa nasabing balita na hindi nabanggit ni Edu kung saan niya napulot. Sabi ng presidente : “Meron talagang walang magawa. Yun ‘yung kailangan natin ihanap ng trabaho. Dahil nag-iimbento ng kuwento.”

Lumikha nga kasi ng ingay ang nasabing tweet ni Edu dahil maraming nag-retweet. Pero mabilis naka-react ang mga taga-Palasyo bilang maraming staff ang Malacañang na active Twitter user.

Ang maganda lang naman kay Edu, marunong siyang tumanggap ng mali, he immediately apologized na siguradong hindi kayang gawin ng iba.

Anyway ano bang nangyari sa show ni Edu sa TV5?

Totoo bang nasira ang ginawang studio ng sisimulan sana nilang game show, yup game show at hindi musical show? Yup, nasira raw agad hindi pa man ito natatapos.

May bumagsak daw sa bubungan sa nirentahan nilang Delta Theater. Dapat ay noon pang March 10, naurong ng March 17, aba anong petsa na pero wala pa ring balita.

Cristine at Rayver hiwalay na raw

May koneksiyon kaya ang mga naunang sinabi ni Cristine Reyes na puwede siyang ma-in love kay Piolo Pascual sa balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz?

Kahapon ay sumabog kasi ang balitang hiwalay na ang dalawa. Pero walang mag-confirm ng balita. May ilang nakakaalam pero may ilang nagde-deny.

Hmmm, ano kayang rason ng hiwalayan nila?

Hindi na gaanong aktibo sa twitter si Cristine, pero pasasaan ba’t lalabas din ang totoo rito.

vuukle comment

AGUINALDO STATE DINING ROOM

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAHIL

EDU

GRACE LEE

MALACA

PERO

PROMENADE GREENHILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with