^

PSN Showbiz

Aktor galanti sa kanyang mga papa, kotse kung mag-regalo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Galante as in kotse pala kung mamigay ang aktor na may mga naging dyowang kapwa aktor ayon sa isang source.

‘Yun daw ang isa sa mga dahilan kaya hindi basta-basta maiwan ang aktor ng mga nakakarelasyon niya.

Wala sa hitsura ng aktor na magiging galante sa kapwa aktor pero mismong ang isa sa mga naka-relasyon ng aktor daw ang nagkukuwento tungkol sa pagiging generous ni aktor sa kanyang mga ‘papa.’

Bukod sa pagiging generous super bait din daw kasi ng aktor na ito kaya mabait din sa kanyang ang mga nagiging dyowa.

Katawan ni Juday may kurba na uli, hot na ang hitsura

May kurba na ang katawan ni Judy Ann Santos nang humarap kahapon sa isang presscon para ipakilala bilang endorser ng Eden Cheese.

Grabe parang may humihigop ng taba niya sa katawan na naipon nang magbuntis at manganak siya sa panganay nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho. At ang the height, binansagan na siyang hot mama dahil sa kanyang kaseksihan.

Totoong nagda-diet siya, pero kinakain pa rin naman niya lahat ng gusto niya as in hindi naman niya dini-deprive ang sarili sa mga gusto niyang kainin.

“Yes, kinakain ko ang gusto kong kainin pero at the same time may kapalit ‘yun na exercise kinabukasan, like takbu-takbo or kakargahin ko si Lucho ng dalawang oras, akyat-panaog ako sa hagdan. May mga ways kung paano ka mag-exercise nang hindi ka gagas¬tos. Sa Internet lang ang daming work-out videos na puwedeng i-download, libre pa,” sabi ni Juday sa interview.

At siyempre kasama sa kanyang diet ang commitment at di¬siplina para ma-achieve ang kung anumang katawan niya ngayon. Feeling ni Juday kung hindi siya confident sa sarili niya paano niya gagampanan ang resposibilidad niyang bilang nanay at asawa.

Samantala, Pinoy Mas¬ter Chef muna ang naka-line up niyang gawin sa ABS-CBN at wala pang final decision kung matutuloy ang serye na pagsasamahan nila nina Kim Chiu and Xian Lim.

Pagdating sa pelikula, definite na ang pagsasamahan nila ni Coco Martin pero hindi pa sila nagsisimulang mag-shooting dahil busy pa ang aktor.

Yung sa kanila rin ni John Lloyd Cruz, wala pa ring kasiguruhan pero napag-uusapan na raw kahit papaano.

Samantala, pinili ni Juday ang Eden Cheese dahil paborito ito ng mga Pinoy sa maraming taon at pinagkakatiwalaan ng ilan nang henerasyon ng mga nanay. Gusto ni Juday ang makremang lasa nito. Kaya hindi na rin nagulat si Juday na nagustuhan rin ito ng kanyang mga anak lalo na si Yohan na kasama niyang endorser.

Pamilya ni Derek namomoroblema sa malaking offer ng ABS-CBN at TV5

Makaapekto kaya ang hindi gaanong malaking kita ng pelikulang Corazon, Ang Unang Aswang sa magiging desisyon ni Derek Ramsay kung saan siya pipirma ng kontrata?

Ayon sa source kasi, parehong malaki ang offer ng ABS-CBN at TV5. Nauna palang nag-offer ang TV5. Nag-host daw ng dinner si Mr. Manny Pangilinan para sa parents ni Derek at saka doon inilatag ang offer sa aktor na siyempre raw ay ikinagulat ng magulang ni Derek dahil sa laki. Pero hindi raw nagpatalbog ang kampo ni Mr. Gabby Lopez at nagpatawag din ito ng dinner para sa parents ng aktor at saka doon daw sinabi ang mga plano nila sa aktor.

So ang ending naguguluhan daw ang pamilya ni Derek dahil parehong ma¬ganda ang offer.

Dagdag ng source, wala pang napipili ang kampo ng aktor hanggang nga¬yon. Pero ang pakiramdam ng source, baka na-realize ngayon ni Derek dahil nga hindi super patok sa takilya ang Aswang, na kailangan palang may mga kasama rin siyang artista para kumita ng malaki ang kanyang pelikula.

Aling ang pipiliin niya?

vuukle comment

AKTOR

ANG UNANG ASWANG

COCO MARTIN

DEREK

EDEN CHEESE

JUDAY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with