^

PSN Showbiz

Pacman sa ABS-CBN naman magsi-share ng mga salita ng Diyos!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balitang magkakaroon ng Prayer/Sharing si Sa­ranggani Congressman Manny Paquiao sa ABS-CBN this week. Bukod sa maraming talents ng Ka­­­pamilya Network, dadalo rin ang mga bossing ng istasyon sa pangunguna ni Mr. Gabby Lopez mis­mo.

Hindi nabanggit sa amin kung saan ang Prayer/Sharing ni Manny sa ABS-CBN. Basta, this week na raw ito gagawin.

Madalas magkaroon ng Prayer/Sharing si Manny sa GMA 7 at ngayon sa ABS-CBN naman.

 

Movie ni Gwen nakakatakot kahit hindi horror

English, Filipino, at Bahasa ang three languages na ginamit sa The Witness, ang suspense-thriller movie ng Skylar Pictures at GMA Films na showing na simula ngayong araw. Bida rito sina Gwen Zamora at Indonesian model-turned actor Agung Saga.

Ngayon lang kami nakapanood ng pelikulang di­ni­rehe ng Indonesian director na si Muhammad Yusuf at gawa sa Indonesia at nagustuhan namin. Sabi ni Gwen, red HD ang camera na ginamit, kaya iba ang dating ng movie at pansin din naming ma­tipid sa location dahil bahay at hospital lang ang major location.

Kapansin-pansin ding puro malalaking bahay ang ginamit, natakot tuloy kami sa malalaking bahay.

Kahit hindi horror, malakas ang fear factor ng movie at mapapasigaw ang manonood. Hindi kami tumingin sa eksenang hiniwa ni Agung para tanggalin ang tattoo sa kanyang braso ng initial ng nagtaksil na GF.

 

Tira-tirang alahas ni Imelda Marcos, ginagamit ni Imee

 “Tira ni Mommy,” ang sagot ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos nang punahin ang suot na necklace sa presscon/launching ng TVCs ng Kaway sa Paoay tourism campaign para sa pinamumunuang probinsya.

Kasama nito si Borgy Manotoc, pero nakalimutan daw niyang i-cast sa TVC pati ang inang si Imelda Marcos. Nagbiro itong hindi kaya ang talent fee ni Georgina Wilson, GF ni Borgy, kaya hindi nila kinuha.

Sabi pala ni Imee, international star ang isa sa mga bikini girls sa TVC na si Jessica Andres, i-google raw ito at makikilala dahil hindi niya masyadong kilala at pinag-bikini lang nila.

Totoo nga, nakasulat sa biodata nito na mixed Filipino ito at lumalabas sa Gossip Girl, kasama sa short film na Out of Darkness at pelikulang The Last Airben­der.                                                                                

 

Leandro in love na in love kay Iwa

Teenager lang ang peg ni Leandro Muñoz sa tweet na “Waking up to Skype is such a beautiful thing ‘coz it is @Ain_iWa I see on the screen” at sinundan ng hash tag na “I am cheesy when in love.”

Naalala namin, sobrang cheesy din si Leandro nang maging GF si Nadine Samonte, kaya lang, sobrang shortlived ang kanilang relasyon, the next thing we knew, break na sila at nagkabalikan sina Nadine at BF niya before Leandro.

Pare-parehong nasa TV5 sina Nadine, Leandro, at Iwa, ano kaya ang mang­yayari ‘pag nagkita-kita sila sa network?  

        

vuukle comment

AGUNG SAGA

BORGY MANOTOC

CONGRESSMAN MANNY PAQUIAO

GEORGINA WILSON

GOSSIP GIRL

IMELDA MARCOS

LEANDRO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with