^

PSN Showbiz

Rep. Manny hindi dapat pinakikialaman kung hindi kayang iwan ang boksing

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bakit naman tayo magtataka kung hindi man maiwan ni Manny Pacquiao ang boksing? Ito ay sport niya at ito ang bumuhay sa kanya, sa pamilya niya, mga kaanak, at iba pang taong nababahaginan ng kanyang yaman.

Kahit pa sabihing ang hindi niya maiwan ay ang napakalaking pera na ipinapasok nito sa bulsa niya, andun pa rin ang love for the sport, ang kanyang passion. Kung pera lang ang dahilan, sa palagay n’yo ba 8th division ang hahawakan niyang titulo?

Bela mahusay sumagot

Pinag-uusapan hanggang ngayon ’yung braless outfit na isinuot ni Bela Padilla sa presscon ng Hiram na Puso. Ang ganda-ganda kasi niyang dinala ang kanyang damit. Napaka-ganda, hindi masagwa at hindi ibinuyangyang ang kanyang dibdib. Nagpatikim lang siya kumbaga.

Ang maganda kay Bela, hindi lamang ang sexy outfit niya ang napapansin sa kanya kundi ang kahusayan niyang sumagot sa pag-uurirat ng press. Sumasagot naman siya pero walang taray at bakas ang katapatan.

Magaling din siyang umarte. Kontrabida man ang role o bida, yakang-yaka niya. Asset siya sa GMA 7.

Annabelle at Wilma hindi na nagpaplastikan

Ang gandang tingnan na hindi lamang nagkabati sina Mama Annabelle Rama at bossing dati ng GMA 7 na si Wilma Galvante kundi masaya pa rin nilang ini-enjoy ang birthday party ng huli na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa kanyang Imperial Suites sa Timog-Morato, Quezon City.

Alam mong tunay ang kanilang pagbabati at hindi kaplastikan lamang na tulad nang pagbabati ng ilang mga taga-showbiz na nasaksihan natin na put on lang.

vuukle comment

ALAM

ANNABELLE

BELA PADILLA

IMPERIAL SUITES

MAMA ANNABELLE RAMA

MOTHER LILY MONTEVERDE

QUEZON CITY

WILMA GALVANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with