^

PSN Showbiz

Nagpa-sexy pa, Shalani nae-excite na uling mag-trabaho!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagkita kami ni Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo sa Heritage Park noong Martes.

Hindi sinasadya ang pagkikita namin ng magdyowa sa misa para sa 4th death anniversary ng madir ng aking friend na si Jenny Napoles.

Close rin ang mag-asawa kay Mama Jenny dahil ninang ito sa kanilang kasal noong January 22.

Hindi nagtagal sina Shalani at Papa Roman dahil birthday din nito noong Martes. Sumaglit lang sila sa Heritage Park at umalis agad dahil may birthday dinner si Papa Roman para sa kanyang mga magulang at in-laws.

Binati ko ng happy birthday si Papa Roman na malaki talaga ang ibinata ng itsu­ra mula nang paka­salan niya si Shalani.

Napa-smile si Shalani sa mga sinasabi ng mga tao na pumayat siya. Hindi ako sure kung sinadya ni Shalani na magpapayat para sa nalalapit na pag-uumpisa ng noontime show ng TV5, ang Game ‘N Go o ins­pired lang siya na magpaseksi dahil kay Papa Roman.

Magsisimula na sa March 10 ang bagong noontime show ng Kapatid network na tatampukan nina Shalani, Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio et al.

Excited na si Shalani sa kanyang bagong show sa TV5 dahil gustung-gusto niya ang segment nila ni Arnell na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makihalubilo sa mga ordinaryong tao.

Perfect na perfect kay Shalani ang segment niya sa Game ‘N Go dahil likas sa kanya ang tumulong sa mga nangangailangan.

Robin nagbigay ng ‘Love Offering’

Nag-join ako sa meeting kahapon ng GMA Artist Center sa isang restaurant sa Quezon City at very lucky day ito para sa akin dahil sa chance encounter namin ni Robin Padilla.

Poging-pogi si Robin nang ma-sight ko sa restaurant. Nagulat pa siya nang makita ako at ang ibang mga member ng entertainment press.

May meeting si Robin sa mga kapatid natin na Muslim pero isang madre ang nakita ko na inihatid niya sa sasakyan.

Na-touch ako at ang mga reporter na kasama ko sa meeting dahil sa love na ipinaramdam  ni Robin sa amin. Muling pinatunayan ni Robin ang pagkakaroon ng palabra de honor dahil tinupad niya ang pangako na darating sa restaurant ang kanyang kapatid na si Rommel para sa love offering. Love offering talaga o!

True enough, dumating si Rommel, ilang minute pagkatapos magpaalam ni Robin sa amin.

Si Rommel ang nagbigay ng love offering.

Maraming salamat kina Robin at Rommel!

Pinag-Uusapang trailer ng MKG, nakaka-insecure

Napag-usapan kahapon sa meeting ang magandang trailer ng My Kontrabida Girl, ang romantic comedy movie ng GMA Films na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

Pinupuri ng mga reporter ang magandang trailer ng My Kontrabida Girl at naka-feel ako ng insecurity dahil ako na lang yata ang hindi nakakapanood sa bonggang teaser ng pelikula.

May reason para ma-insecure ako dahil kasali ako sa My Kontrabida Girl at mapapanood daw sa trailer ang aking eksena.

I swear, hindi ko pa na-sight ang trailer ng My Kontrabida Girl. Daig pa nga ako ni Susan Roces a.k.a Manay Inday dahil siya pa ang nagkuwento sa akin na kasali sa trailer ang eksena ko.

Ngayon ang grand presscon ng My Kontrabida Girl. Dadalo ako sa presscon bilang reporter at hindi star ng pelikula.

Pupunta ako sa presscon para mapanood ko na ang talk of the town trailer ng pelikula namin ni Rhian Ramos.

8 spices, masasarap ang mga pagkain

Na-meet ko rin kahapon si Charlene Ang, ang young owner ng 8 Spices, ang Thai restaurant sa Quezon City na sobrang sarap ang mga pagkain.

Sinabi ko kay Charlene na sa susunod na magpatawag ako ng presscon, sisiguraduhin ko na idaos ‘yon sa 8 Spices dahil sa kanilang masasarap na menu.

Madaling hanapin ang 8 Spices dahil nasa kanto ito ng Scout Borromeo at Mother Ignacia Streets, QC. Katabing-katabi ng 8 Spices ang building na pag-aari ng isang kilalang aktor.

 Try ninyo na puntahan at tikman ang mga Thai food ng 8 Spices para ma-prove ninyo na totoo ang aking sinasabi.

Bihirang-bihira ako na mag-recommend ng mga restaurant na dapat i-patronize ‘no!

vuukle comment

AKO

DAHIL

HERITAGE PARK

MY KONTRABIDA GIRL

N GO

PAPA ROMAN

PARA

QUEZON CITY

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with