^

PSN Showbiz

Ayaw talaga kay Kris, Diether magpa-pari 'pag walang nakitang babaeng puwedeng pakasalan

- Veronica R. Samio -

Tinawagan ni Kris Aquino si Diether Ocampo para lamang ibalita dito na, finally, naibigay na ng korte ang matagal na niyang hinihinging annulment.

“I was happy for her. Sabi ko lang sa kanya, makapagsisimula na siya ng isang beautiful love story,” anang aktor na muling gumagawa ng isang tele­serye pero ‘di tulad ng Guns and Roses na kung saan ay nasabak siya sa hard action, ang Lorenzo’s Time ay isang family drama at love story din na kung saan ay makakapareha niya si Carmina Villaroel. Makaka-love triangle naman nila si Zaijian Jaranilla.

Kahit nagpapahinga pa siya dahil napagod sa maraming seminar na kinuha para mas madagdagan pa ang kaalaman niya sa pagpapatakbo ng isang foundation ay balak niyang gawing nationwide  ang kanyang foundation na ang nabibiyayaan ang pawang mga batang mag-aaral.

Inamin ni Diether na matumal ang kanyang love life. Pero hindi nangangahulugan na binuburo niya ang kanyang sarili sa loob ng bahay. He goes out on date at maski na sila ni Kris ay nagkakasama pa rin kaya naman hindi nawawala ang paghihinala sa kanila na hindi lamang sila basta magkaibigan.

“Hindi kami madalas magkita pero, we’re there to support each other. Hindi ko siya nililigawan. Maganda ang friendship namin, ‘wag lang bigyan ng maling interpretasyon ng tao. Hindi ako lucky sa love at hindi stable ang relationships ng mga taong ang priority ay ang kanilang work. Tulad namin ni Kris.

“Ayaw kong tumandang binata. Gusto ko rin magkapamilya pero kung hindi mangyayari ito, baka mag-pari na lang ako,” pagbibiro niya.

Gab inamin na ang relasyon kay Coleen

Hindi lang naman si Sarah Geronimo ang mawawala sa ASAP. Pero ‘di tulad ng Pop Princess who completely gave up the Sunday program para makapag-focus sa sarili niyang programang Sarah G Live, hindi mawawala ng lubusan si Gab Valenciano sa panlinggong programa ng ABS-CBN. Twice a month ay kaila­ngan niyang mawala sa ASAP para makapag-isip ng magagandang choreography para sa host ng Sarah G Live.

Ngayon pa lang ay inili-link na sila ni Sarah at bagaman at hindi inaalis ng anak ni Mr. Pure Energy ang posibilidad na magkadebelopan sila ni Sa­rah hindi naman niya itinanggi na may nabubuong special friendship sa kanila ng isa pang bagong recruit sa ASAP na si Coleen Garcia.

Career ni Jennylyn bumubongga

Gumaganda ang career ni Jennylyn Mercado. Bukod sa nakikilala na siya unti-unti bilang isang mahusay na TV host, gagawa ito ng pelikula sa Regal na kung saan ay pumirma siya recently into a contract. Okay lang sa kanya kung sa isang pelikula na gagawin niya sa kumpanya ni Mother Lily ay makapareha niya si Dennis Trillo. Katuwiran niya ay nagkaayos na sila. Hindi man maibalik ng buo ang kanilang samahan, bilang artista ay tanggap niya ang posibilidad na makasama ang dating boyfriend sa isang proyekto.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

COLEEN GARCIA

DENNIS TRILLO

DIETHER OCAMPO

GAB VALENCIANO

GUNS AND ROSES

ISANG

NIYA

SARAH G LIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with