^

PSN Showbiz

Luis at Jennylyn sa bagong Batangas hotel ni Mother Lily gagawin ang wedding reception?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

How true Mama Salve na natawa si Gov. Vilma Santos nang tanungin ito sa blessing ng Taal Imperial Hotel and Resort tungkol sa love affair nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

May nagtanong daw kay Vilma kung puwedeng idaos sa resort na pag-aari ni Mother Lily Monteverde ang wedding reception nina Luis at Jennylyn. Natawa ang gobernadora ng Batangas at nag-dialogue ito na hindi siya nakikialam sa personal affairs ng kanyang anak.

Dindi sasabak sa malaking project na may mga sikat na personalities

Bumalik na kahapon sa New York si Dindi Gallardo at ang kanyang American husband na si Eric Mills.

Sad si Dindi nang mag-goodbye Philippines dahil mami-miss niya ang ating Pilipinas. Sampung taon na nawala si Dindi at nanirahan sa New York kaya normal ang loneliness na kanyang nararamdaman.

Next month, pupunta si Dindi sa Europe para sa shooting ng isang malaking project. Makakatulong ang work niya para malibang siya at malimutan ang napi-feel na homesickness.

Hindi ko puwedeng sabihin ang title ng project na pagkakaabalahan ni Dindi pero mga sikat na personalities ang involved.

Rep. Iggy ’di ikiki-cremate kundi ibuburol sa bahay ni mike arroyo

Hindi ako sure kung kagabi o ngayon ang arrival ng mga labi ni Congressman Iggy Arroyo mula sa London, England.

Pero malinaw ang sinabi ni Grace Ibuna sa aming recent phone conversation, mula sa Ninoy Aquino International Airport ay dadalhin ang bangkay ni Rep. Iggy sa bahay ni ex-First Gentleman Mike Arroyo para iburol.

Hanggang kahapon eh kumakalat ang mga tsismis na na-cremate na sa London ang mga labi ng pulitiko. Huwag paniwalaan ang mga tsismis dahil mismong si Grace ang nagsabi sa akin na walang naganap na cremation sa bangkay ni Congressman Iggy.

Dongyan teleserye malapit na

Ngayong gabi ang grand presscon ng My Beloved, ang coming soon na primetime show nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Maraming eksena na ng My Beloved ang nakunan mula nang mag-taping sina Dingdong at Marian.

Maraming eksena rin ang hindi napakinabangan dahil nagkaroon nga ng changes sa cast ng much-awaited primetime program ng real-life sweethearts.

Magsisimula ang My Beloved sa susunod na linggo dahil magwawakas sa darating na Biyernes ang Survivor Philippines: Celebrity Doubles Show­down na live na mapapanood ang finale.

Magbasa ng buong column!

Hay naku, biktima na naman ako ng mga pang-iintriga ng mga tao na title lamang ng kolum ko ang binabasa, hindi ang kabuuan ng aking report!

   Hindi ko na problema kung mag-react at maapektuhan sila ng mga headlines. Sila na ang may diperensiya dahil ang mga column heads lang ang kanilang binabasa. Ayoko nang mag-explain sa mga bagay na mali ang pagkakaintindi ng mga concerned people. ’Yun lang!

vuukle comment

CELEBRITY DOUBLES

CONGRESSMAN IGGY

DINDI

DINDI GALLARDO

DINGDONG DANTES

ERIC MILLS

MY BELOVED

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with