^

PSN Showbiz

Problema ni KC sa commercial, nasolusyunan na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-meeting last Monday ang mga taga-Pal­mo­live at mga taong involved sa pagkuha kay KC Concepcion bilang endorser ng shampoo. Natuwa tiyak si KC sa balitang okay ang kinalabasan ng meeting at naintindihan ng mga taga-Palmolive ang sitwasyon ng dalaga at total support pa rin sila kay KC mapa-long o mapa-short ang hair nito and through thick and thin.

Wala ring balak ang kumpanya na tapusin na ang kontrata ni KC na matagal pa bago mag-expire and in fact, pinag-usapan at pinaplano na ang next TV commercial na isu-shoot niya. Bawal talaga kay KC ang short hair at ’di puwede kahit above the shoulder, pero nakuha sa maayos na usapan ang lahat.

Samantala, si Vic del Rosario na ang kakausa­pin ng ABS-CBN tungkol sa mga projects nila kay KC at wala raw balak ang Viva Entertainment na ilipat sa ibang network si KC.

Mark hindi pa rin sigurado sa solo show

Inihahanda na ng GMA 7 ang mga bagong shows nila sa afternoon slot ng kanilang programming. Magkapareha sa Prodigal Daughter sina Kylie Padilla at Rocco Nacino, unconfirmed pa ang balitang si Mark Herras ang makaka­tambal ni Kris Bernal sa Hiram na Puso at bida sina Bianca King at Luis Alandy sa Broken Vow.

Wala pang masyadong detalye sa three afternoon soaps, at after the holiday seasons yata magsisimulang mag-taping. Pero magkasama uli sina Luis at Marco Alcaraz sa Broken Vow na drama tiyak.

Speaking of Luis, bago mag-taping, pupunta muna ito ng Israel sa first week ng January para sa shooting ng movie about migrant workers. Sa direksiyon ni Joel Lamangan, kasama niya rito si Jodi Stamaria. Isi-celebrate ni Luis ang 15th anniversary niya sa showbiz.

Marc nasasaktan tuwing makikita ang ibinenta nilang bahay para sa pagpapagamot ni Direk Marilou

Nagpapasalamat si Marc Abaya sa GMA 7 na nabigyan siya ng chance na mapasama sa Daldalita dahil nakakapag-comedy siya na mas mahirap kesa magdrama. Na-realize niya na sa comedy, hindi magwo-work kung magsosolo ka at kailangan ang chemistry with your co-stars at timing.

Blessing din sa kanya na makatrabaho sina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes na mahuhusay sa comedy at tinutulungan siya. Lalo siyang bumilib kay Manilyn dahil wala itong cut-off at very professional.

Kuwento ni Marc, pinapanood siya ng inang si Direk Marilou Diaz-Abaya at natutuwa na different roles ang ibinibigay sa kanya ng Channel 7.

Kasama rin siya sa Party Pilipinas at challenge sa kanya ang mga binibigay na songs dahil iba sa mga ginagawa niya bilang vocalist ng Kjwan.

May kasunod lang na lungkot ang kuwento ni Marc, kinailangan pala nilang ibenta ang bahay nila sa Blue Ridge, Quezon City para gamitin sa pagpapagamot ni Direk Marilou. Nagsosolo siya ngayon at ang kanyang kapatid at magkasama naman ang parents niya sa ibang apartment.

“Masakit sa loob ko na ibenta ang bahay namin dahil dun kami lumaki at mas masakit ’pag napapadaan ako at nakikita kong ginawang duplex ang dati naming bahay. Pero wala tayong magagawa,” sabi ni Marc.

vuukle comment

BIANCA KING

BLUE RIDGE

BROKEN VOW

DIREK MARILOU

DIREK MARILOU DIAZ-ABAYA

JODI STAMARIA

JOEL LAMANGAN

KRIS BERNAL

KYLIE PADILLA

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with