^

PSN Showbiz

Dinadawit kasi kina KC at Piolo Carmina nagtaray!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sagot ni Carmina Villaroel sa mga nangdadamay sa kanya sa break-up nina KC Concepcion at Piolo Pascual: “I’m minding my own business. Try mo, mas masaya.”

Kasi naman, pati ang mga taong walang kinalaman sa isyu idinadamay. Ayan, natarayan tuloy kayo ng aktres sa Twitter.

Anyway, mapapanood si Car­mina sa The Road, opening bu­kas, sa isang kakaibang role may kabit siya rito at malupit sa kan­yang anak, ayun, tsinugi tuloy siya ni Marvin Agustin. Pinakain pa siya ng lupa pero sabi ni Direk Yam Laranas, Oreo biscuit ’yun at tinikman muna niya bago kainin ng aktres para makitang malinis ang isinubo sa kanya ni Marvin.

Tsika ni Carmina, after niyang saktan sa mga eksena si Renz Valerio, nagso-sorry siya at niyayakap niya ito para hindi ma-trauma ang bagets.

Agree rin si Carmina kay Marvin na ensemble acting ang mapapanood sa The Road dahil lahat magaling at kahit ’di magkakaeksena ang karamihan sa cast, nagkaroon ng effort na suportahan ang bawat isa.

Vic ayaw patagalin ang laplapan kay AIAi

May kissing scene sina AiAi delas Alas at Vic Sotto sa Enteng ng Ina Mo, pero sabi ng una take two lang ’yun, hindi siya nagsamantala kay bossing dahil ayaw niyang malasin ang movie nila. Pero totoo kayang si Vic ang ayaw patagalin ang kissing scene nila?

Takot ba siya sa Panday 2 ni Sen. Bong Revilla, Jr.?

 “Hindi ako natatakot at walang dapat ikatakot dahil kasama ko si bossing. Last year sa Metro Manila Film Festival, mag-isa lang ako at pinagtulungan ako nina Bong at bossing. Baka next year, pagtulungan uli nila ako, kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na, baka magkaroon ng Enteng ng Ina Mo 2, sayang kasi.”

After Vic Sotto, sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay ang gustong makatrabaho ni AiAi. Kinausap na niya si Wenn Deramas na magdirek ng movie nila ni Derek at sila rin ang co-producers. Kundi naman mabibigay ng Star Cinema si John Lloyd sa kanya, bibigyan naman siya ng bonggang director at si Direk Olive Lamasan ang gusto ni AiAi.

Anyway, very proud si AiAi sa adopted son niyang si Seth Andrei na Sean ang nickname. Type niyang magkaroon sila ng endorsement ng seventh-month old baby. Biblical name ang Seth at siya ang mabait na kapatid nina Abel at Cain.

Rachelle Ann inilaglag ng alaga

Kitang guilty si Nomer Limatog, Jr., ang protégé ni Rachelle Ann Go sa Protégé nang ilaglag ang dalaga sa guesting niya sa Startalk at sabihing pinabayaan siya nito noong week na naalis siya sa contest. Hindi niya alam na nagkasakit si Rachelle, kaya nasabi niya ’yun pero hindi nagtampo ang pop singer-mentor sa kanya.

 Tuwang-tuwa si Rachelle nang makabalik sa Protégé sina Nomer at Lovely Embuscado at tiyak na tututukan niya ang practice nito. Mabait na mentor si Rachelle dahil ipinag-shopping sa Eastwood si Nomer, dinala sa bahay nila, at ipinakilala sa kanyang pamilya. Nitong huli, pinapanood pa ni Rachelle si Nomer nang nilalabasan niyang Little Mermaid sa Meralco Theater.

vuukle comment

AFTER VIC SOTTO

BONG REVILLA

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

DEREK RAMSAY

DIREK

INA MO

NOMER

RACHELLE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with