^

PSN Showbiz

Megastar magluluto muna bago magtrabaho sa iba!

-

MANILA, Philippines - Dahil sa tagumpay na patuloy na nakakamit ng kanyang home at entertaining line na Celebrations by Sharon, inihahandog ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta ang isang home fair, tampok ang kanyang de-kalidad na mga produkto, sa Sabado (Nov. 26), sa The Event Center ng SM Megamall.

Ang lahat ay iniimbitahang dumalo at maki-saya sa retail fair ng signature products ni Sharon tulad ng cookware at bakeware, na mabibili sa lahat ng SM Homeworld; mga koleksiyon ng kitchen appliances mula sa American Heritage; baking mixes mula sa Maya; specialty collection ng bottled sauces, dips at spreads mula sa The Merry Cooks Inc. (TMCI); at gift wrappers and scrapbook items na mula naman sa Filstar.

Hindi rin dapat palampasin ang mga cooking at gift wrapping demo mula 11:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Mula naman 4:00 p.m. hanggang 6:00 p.m., tung­hayan si Sharon na magluto gamit ang iba’t ibang produkto. May mga sorpresang artista rin na makiki­bahagi sa nasabing selebrasyon.

Ang pagdiriwang na ito ay handog ng Mirage International Trading Corp., ang licensee ng Celebration By Sharon cookware at bakeware, kasama ang Homeworld ng SM Department Store, Sharon at Home Magazine, na maglalabas ng isang komprehensibong bake book, at Sharon at Home, ang programa ng Megastar sa Lifestyle Network. 

vuukle comment

AMERICAN HERITAGE

CELEBRATION BY SHARON

DEPARTMENT STORE

EVENT CENTER

HOME MAGAZINE

HOMEWORLD

LIFESTYLE NETWORK

MEGASTAR

MERRY COOKS INC

MIRAGE INTERNATIONAL TRADING CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with