^

PSN Showbiz

Isa pang aktres pipirma rin ng kontrata sa Kapatid network!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Bukod kay Megastar Sharon Cuneta na naka-schedule pumirma ng kontrata ngayong araw sa TV5, isa pang actress na may existing na trabaho sa isang network ang lilipat sa Kapatid Network early next year.

Malaking artista rin ito at si Mr. Vic del Rosario rin ang hahawak at makikipag-negotiate para sa nasabing actress.

Bukod pa ang aktres na ito kay Maricel Soriano na pipirma rin ng kontrata sa network na pag-aari ni Mr. Manny Pangilinan.

So ito naman ang aabangan natin.

By the way, hindi naman si Sharon ang may pinaka-malaking deal sa TV5. Pangalawa lang daw siya sa TV host na si Willie Revillame ayon sa isang source.

Seven hundred percent ang increase ng talent fee sa lilipatang network ng megastar.

Gwendoline paparada sa Edsa

Sinalubong ni Miss World First Princess Gwendoline Ruais si pound-for-pound king Cong. Manny Pacquiao sa pagbabalik-bayan nito galing sa kontrobersiyal na panalo sa ikatlong laban nila ni Juan Manuel Marquez kahapon.

Parehong Kapuso stars ang dalawa.

Pagkatapos sunduin sa airport, kasama si Gwendoline sa breakfast ng grupo ni Pacman at ng mga bossing ng GMA 7.

After ng salubong, nag-courtesy call ang beauty queen kay Vice President Jejomar Binay at dumiretso sa luncheon hosted by SMDC Vice Chairman and Chief Executive Officer, Mr. Henry Sy, Jr., sa Corporate Headquarters nila sa One Ecom Center, Mall of Asia Complex.

Hindi lang ‘yan, nagpunta rin siya sa Senate and Congress bandang hapon para rin mag-courtesy call sa mga mambabatas natin.

Ngayong araw naman, 10:00 a.m. humanda ang mga bibiyahe sa EDSA dahil paparada sila kasama ang 2011 Miss World Philippines 1st Princess Helen Nicolette Henson, 2nd Princess Martha Chloe McCulley, 3rd Princess Ma. Paula Bianca Paz, and 4th Princess Jaysel Arrozal.

Magsisimula ang parada sa GMA Network Center papunta ng Mall of Asia via Ayala Avenue.

Kaya mag-expect na tayo ng grabeng traffic sa area.

Last November 18 lang dumating ng bansa si Gwendoline after ng almost a month niyang pag-i-stay sa London para sa Miss World na napanalunan nga niya ang korona ng first princess.

Sixteen years na nang huling mapansin ang ating kandidata sa nasabing competition.

Pagbalik ng bansa, kabi-kabila agad ang naging trabaho ng beauty queen.

Pero isa sa pagtutuunan niya ng pansin ay ang pakikipag-tie up sa GMA Kapuso Foundation para sa mga fund raising at nang matulungan ang mga batang mahihirap. Pasasalamat daw niya ito sa kanyang panalo.

Walang keber si Gwendoline sa mga negative comment na hindi siya gaanong pinapansin kahit kinoronahan na siyang first princess ng Miss World.

Natabunan kasi ng issue kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdating niya kaya hindi na-front page sa maraming dyaryo ang kanyang arrival.

Pero dedma na siya sa mga ganun. Ang importante, winner siya.

Kasal nina Jolina at Mark kuning-kuning lang na lihim

Kinasal na kahapon si Jolina Magdangal sa boyfriend niyang si Mark Escueta sa Tagaytay.

Kuning-kuning na lihim ang kasalan pero mara­ming nagti-tweet kahapon ng mga pangyayari kaya hindi nasunod ang gusto nila.

So eklay lang na lihim ‘yun?

                                               

vuukle comment

AYALA AVENUE

BUKOD

CORPORATE HEADQUARTERS

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GWENDOLINE

GWENDOLINE RUAIS

HELEN NICOLETTE HENSON

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with