^

PSN Showbiz

Siya pala ang dinaya, Pacman tinapak-tapakan ni Marquez

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sutil talaga ang mga kababayan natin na kum­binsido na si Manny Pacquiao ang tunay na winner sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.

Para i-prove na totoo ang kanilang mga sinasabi, inipon ng mga kababayan natin ang mga litrato na kuha mula sa nakaraang laban nina Pacquiao at Marquez.

Kitang-kita sa pictures na maraming beses na tinapakan ni Marquez ang paa ng Pambansang Kamao at ‘yon daw ang true reason kaya nagkaroon ng cramps si Manny.

Malinaw na malinaw daw sa mga picture na si Marquez ang nandaya, hindi ang tatlong hurado na nag-declare na si Manny ang winner.

Jinkee iwas na iwas sa mga interview

Nabigo ang mga Pinoy reporter na nagpunta sa Las Vegas dahil hindi sila nagkaroon ng chance na mainterbyu si Jinkee Pacquiao.

Feel na feel ng mga Pinoy reporter ang pag-iwas sa kanila ni Jinkee. Inunawa na lang nila ang nararamdaman ng misis ni Manny na hindi pa handa na sagutin ang mga personal question tungkol sa relasyon nila ng kanyang sikat na asawa.

Nonito Donaire gusto nang lumayas sa GMA 7

Nagbabakasyon ang mag-asawang Nonito Jr. at Rachel Donaire sa Boracay at Bohol. ‘Yun na yata ang honeymoon nila matapos ikasal noong 11-11-11 kaya wala pa silang reaksiyon tungkol sa mga nakakalokang statement ng fadir ni Nonito Jr. si Nonito Donaire, Sr.

Ikinaloka ng mga tao ang dialogue ni Nonito Sr. na para sa kanya, dead na ang mag-asawang Nonito Jr. at Rachel. Para magsalita siya nang ga­noon, matindi ang galit niya sa kanyang anak at manugang.

Nega na naman ang mag-asawang Nonito Jr. at Rachel dahil sa latest galit ng kanilang ama.

Sa totoo lang, talagang nagtaka ang mga tao dahil hindi invited sa kasal ang mga magulang ni Nonito Jr.

Na-sense agad ng madlang-bayan na may problema ang magkabilang panig at nakumpirma ito nang maglitanya ang matandang Donaire.

Marami ang kumakampi kay Nonito Sr. Baka ma­hirapan si Rachel na i-convince ang mga tao na wala siyang kinalaman sa bagong galit ng kanyang father in-law dahil kahit ano pa ang sabihin niya, nakakundisyon na ang isip ng mga tao na siya ang nagdedesisyon para kay Nonito Jr.

Hindi lamang daw ang father in-law ni Rachel ang magsasalita dahil type rin ng madir ni Nonito Jr. na i-share sa publiko ang mga sama ng kanyang loob. Kapag nangyari ito, lalong magiging malaki ang isyu at mahihirapan ang mag-asawa na kontrolin ang family feud.

Talent ng GMA Artist Center (GMAAC) si Nonito Jr. pero hindi na rin yata maayos ang kanilang relasyon.

Hindi na pinakikialaman ng GMAAC ang diskarte ng mag-asawa na nagpahiwatig noon na type nila na lumipat sa ibang TV network. Hindi makapag-ober da bakod ang dalawa dahil may exclusive contract sila sa talent center ng GMA 7.

Kung ipipilit nila ang kanilang gusto, baka magkaroon ng usapin na legal.

vuukle comment

ARTIST CENTER

JINKEE

MARQUEZ

NONITO

NONITO DONAIRE

NONITO JR.

RACHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with