^

PSN Showbiz

Pinoy bands at artists magsasama-sama sa 'Lakas Banda, Lakas Pinas'

-

MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang lakas ng bawat Pilipino ngayong Bi­yernes (Nov. 11), 6:00 p.m. para suportahan ang mga atletang magtatayo ng bandera ng Pilipinas sa 2011 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indonesia na magbubukas din sa araw na ito.

Makilahok sa Lakas Banda, Lakas Pinas: Ako ang Simula The Concert, 6:00 p.m., sa University of Santo Tomas (UST) Open Field sa pangunguna ng public service program na Ako ang Simula at hosts nito na sina Karen Davila, Anthony Taber­na, at Atty. Pochoy Labog.

Makipagrakrakan na sa paborito ninyong mga Pinoy band at artist tulad ng Imago, Barbie Almalbis, Tanya Markova, Peryodiko, Itchyworms, Malay, Kamikazee, The Dawn, Rocksteddy, Bayang Barrios at Pedicab at marami pang iba.

Makiki-jamming din ang Pilipinas Got Talent 3 shadow play act El Gamma Penumbra, orginal Pinoy rappers Kiriko, at singing teen heartthrob na si Khalil Ramos.

Para makanood, i-like lang ang Ako ang Simula Facebook page sa www.facebook.com/aasTV. I-print ang pinakahuling activity sa inyong wall na nagsasabing ni-like mo ang nasabing page at ipakita ito bilang ticket kasama ang inyong valid ID sa concert entrance. Maaari ka ring mag-walk in sa araw ng concert dala ang inyong valid ID. Magbubukas ang gates sa ganap na 4 p.m.

Ang Lakas Pinas ay isang malawakang kampanya ng ABS-CBN bilang suporta sa Philippine team sa SEA games. Mapapanood ang laban ng Pilipinas sa basketball at football games sa coverage na hatid ng Studio 23. 

vuukle comment

ANG LAKAS PINAS

ANTHONY TABER

BARBIE ALMALBIS

BAYANG BARRIOS

EL GAMMA PENUMBRA

KAREN DAVILA

KHALIL RAMOS

LAKAS BANDA

LAKAS PINAS

OPEN FIELD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with