Radio hits bibida sa pakontes na choir ng MBC
MANILA, Philippines - Sa isang kasiya-siyang pagbabago sa larangan ng choral music, itatampok ang mga radio-friendly novelty hits sa nakatakdang paghaharap ng pinakamagaling na choral groups sa buong bansa sa darating na semifinals ng MBC National Choral Competition na gaganapin sa Star Theater mula ika-5 hanggang ika-8 ng Disyembre.
Bahagi ng taunang selebrasyong Paskong Pinoy ng Manila Broadcasting Company (MBC) at Star City, ang MBC National Choral Competition ang maglalahad ng pinakamahusay na boses sa larangan ng choral music, base sa tatlong buwang serye ng elimination rounds na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Gaganapin ang grand finals ng MBC National Choral Competition sa Aliw Theater sa Dec. 9, sa tulong ng Smart Communications, Hanabishi, M. Lhuillier, Dunkin Donuts, Myracof, Yakult, Coca Cola, at Pizza Hut.
- Latest