^

PSN Showbiz

Bago pumayag maging Kapatid, Sunshine magpapa-lipo muna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Excited si Ervic Vijandre sa Kokak dahil first drama series niya ito na feeling niya ay dito na siya mapapaarte.

Gustung-gusto ni Ervic na magdrama dahil marami siyang paghuhugutan base sa mga pinagdaanan niya sa buhay lalo na sa aspetong love life.

“’Di ko gaanong ma-explain, pero ayoko kasing gamitin ’yun dahil bahagi ng buhay ko ’yun na hindi naman dapat gamitin eh. Nandiyan na lang siya, huwag na lang balik-balikan pa,” paliwanag ng model-actor.

Pakiusap lang ni Ervic na huwag na rin sanang balik-balikan pa ang isyu nila ni Marian Rivera dahil sobrang tagal na at pareho na silang nakapag-move on.

’Yun nga lang, hindi pa nai-in love uli si Ervic pagkatapos nila ni Marian.

PAK : Ayaw pa ring kumpirmahin sa amin ni Mommy Dorothy kung totoong magiging Kapatid na rin ba si Sunshine Dizon.

Nung August pa kasi natapos na ang contract ni Sunshine sa GMA 7 at wala kaming naririnig na magri-renew ito ng kontrata.

Tikom din ang bibig ng mga taga-TV5 pero ang narinig naming kuwento, may pag-uusap na at ilang beses na itong iniimbitang mag-guest sa ibang drama shows ng network pero tumatanggi pa ang aktres dahil gusto nitong magpapayat pa nang husto.

Nagpa-schedule na itong magpa-lipo kay Dr. Manny Calayan, pero ilang beses na ’di natutuloy dahil meron pang problema sa kalusugan nito.

Ang gusto ni Sunshine talagang payat na siya bago ito lumabas para tuluy-tuloy na ang trabaho niya.

BOOM : Nung Nov. 4 pala dumating si Iwa Moto galing Japan at nung nakaraang Biyernes ay lumabas ito kasama ang mga barkada.         

Nasa Republique sila na ikinagulat nitong nandun din pala ang dating kasintahang si Mickey Ablan.

Kaya lang napaaway na naman si Mickey at si Iwa ang isa sa mga umawat hanggang sa ipinasakay niya ito sa kotse niya para maiwas lang sa gulo.

Nagkausap ang dalawa nang masinsinan pero ayaw pa munang pag-usapan ni Iwa kung ano ito.

Bago siya magsalita ay dapat maayos nito ang dapat ayusin.

May kinalaman kaya ito sa mga papeles ng kasal nila ni Mickey?

vuukle comment

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

IWA MOTO

LEFT

MANNY CALAYAN

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with