^

PSN Showbiz

Pacman hindi magko-concert pagkatapos ng laban

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Wondering ang fans ni Congressman Manny Pacquiao dahil hindi siya magkakaroon ng concert sa Amerika pagkatapos ng laban nila ni Juan Ma­nuel Marquez sa Las Vegas sa November 12.

Nasanay kasi ang mga tagahanga ng Pambansang Kamao na palaging may concert sa tuwing matatapos ang kanyang mga laban.

Mismong si Manny ang nag-announce na wala siyang concert sa US at reminder ito sa mga US concert producer na umaasa na makukuha nila ang kanyang serbisyo.

Siyempre, nagmalisya ang mga mahihilig sa intriga. Nag-isip sila na baka may kinalaman ang bagong isyu sa desisyon ni Manny na huwag tumanggap ng show sa Amerika.

Huwag na kayong magpanggap na hindi n’yo alam ang bagong isyu na tinutukoy ko ‘no!

‘I guess she’s a liar’ – say ni Raymond kay Shaina

“Well, I guess she’s a liar then” ang statement ni Raymond Gutier­rez sa national TV na ikinawindang ng televiewers.

Parang natulala si John Lapus nang marinig nito ang sinabi ni Raymond tungkol kay Shaina Magdayao.

May kinalaman ang reaksiyon ni Raymond sa pahayag ni Shaina na si Ruffa Gutierrez ang unang nag-text kay John Lloyd Cruz.

Ruffa-Shaina-John Lloyd issue hindi pa tapos

Hindi pa pala tapos ang isyu sa pagitan ni Ruffa at ng mag-dyowang John Lloyd at Shaina.

Mali ang akala na natabunan ng Claudine Barretto-Raymart Santiago ang kontrobersiya nina Ruffa, John Lloyd, at Shaina dahil nabuhay ito, matapos magsalita ng magsing-irog sa The Buzz noong Linggo.

Mukhang hindi pa magkakaroon ng closure ang isyu dahil may mga pasabog si Ruffa na siguradong hindi natuwa sa mga sinabi ni Shaina.

Kung anuman ‘yon, abangan natin sa mga susunod na araw.

Natuklaw ng ahas sa Survivor ibiniyahe pa-Manila

Pahulaan kung sino sa mga celebrity castaway ng Survivor Philippines ang natuklaw ng ahas sa isla.

Knows ko na kung sino ang aktres na tinuklaw ng ahas pero hindi ko sasabihin ang kanyang name para hindi ko ma-preempt ang mga sorpresa ng reality show ng GMA 7 na magsisimula sa November 14.

Basta ang alam ko, iniluwas ng Maynila ang girl pero ibinalik siya sa isla dahil hindi naman na­ging grabe ang kanyang kalagayan. Nakakanerbiyos na matuklaw ng ahas at kung ibang babae ang nasa lugar ng aktres, siguradong nahimatay na sila sa takot.

Araw ng mga patay ang dahilan…

Ang Araw ng mga Patay ang dahilan kaya hindi ako sumama sa Singapore trip ng Wil Time Bigtime.

Ako ang punong-abala sa pagbili ng mga bulaklak at kandila para sa mga mahal namin sa buhay na namayapa na  kaya mas pinili ko na mag-stay sa Quezon City at huwag pagbigyan ang imbitasyon na magbakasyon ako sa Singapore, sakay ng Wil Fly, ang sosyal na private jet plane ni Willie Revillame.

vuukle comment

AMERIKA

ANG ARAW

CLAUDINE BARRETTO-RAYMART SANTIAGO

JOHN LLOYD

RAYMOND

RUFFA

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with