^

PSN Showbiz

Dyan Castillejo nabiktima ng kamukha ni Pacman

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK :

Isinilang na ni

Carlene Aguilar

ang first baby nila ng asawa niyang si

Yo Ocampo

nung nakaraang Biyernes.

Isang malusog na baby boy ang isinilang nito kung saan na-caesarean siya sa Cardinal Santos Hospital.

Kahapon lang siya lumabas ng hospital at nagpapagaling pa ito.

PAK : “The Reader” ang tawag ng mga production staff sa isang baguhang female TV personality na ginu-groom na maging magaling na host.

Pero mukhang wala namang ibubuga sa larangang ito ang TV personality dahil hindi nga raw marunong mag-adlib o makipag-interact sa mga co-host niya.

Tinanggal na nga ito sa isang show na kung saan isa siya sa mga co-hosts pero sinubukan pa rin sa ilang variety show at mga special events pero waley talaga!

Ang sabi ng mga production staff, kahit kapirasong spiel ay ilang beses niya itong niri-rehearse tapos nagkakamali pa.

Nakadepende lang ito sa kung ano ang nakalagay sa script at sa idiot board na pinapabasa sa kanya.

“As is where is” lang siya kapag nagbabasa ng spiel. Hindi naman daw talaga ito host kundi tagabasa lang ng spiel. Kaya nga “the reader” na ang tawag sa kanya.

BOOM : Lumikha ng ingay ang pagdating ng look-alike ni Manny Pacquiao sa laban ni Nonito Donaire at Omar Narvaez na ginanap sa Madison Square sa New York kamakalawa lang.

Kahit ang anchorperson ng ABS CBN 2 na si Dyan Castillejo ay puring-puri si Pacman na nagkaroon daw ito ng panahong suportahan si Donaire sa kanyang laban kahit nasa kalagitnaan ito ng kanyang training.

Nagkagulo sa loob ng arena at talagang nag-ingay. Matagal bago nila nalamang hindi pala iyun si Manny Pacquiao kundi ang isang Pinoy na taga-LA na talagang kamukhang-kamukha ng Pinoy boxing champion.

Matagal bago sila nahimasmasan sa pagkakamaling iyun, pero at least nag-enjoy naman daw sila at napagtripan ng mga taong magpalitrato sa look-alike ng ating Pambansang Kamao.

Samantala, tutuloy na talaga si Jinkee Pacquiao sa pag-alis niya pa-Amerika para suportahan ang kanyang asawa.

Pagkatapos na lang ng laban niya aayusin ang isyung kinasasangkutan nila.

Malakas ang pakiramdam naming mapapatumba ni Pacman si Marquez. Hindi lang namin sure kung kakayanin niya ang ngitngit ni Jinkee.

                                                        

vuukle comment

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CARLENE AGUILAR

DYAN CASTILLEJO

JINKEE PACQUIAO

LANG

MADISON SQUARE

MATAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with