^

PSN Showbiz

Kasalang Roman at Shalani ikinunsulta sa Feng Shui

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Naku, tinotoo ni Nay Lolit Solis ang sinabi niyang gigisahin niya ang mag-dyowang Cong. Roman Romulo at Shalani Soledad. Wala siyang pinalampas, lahat talaga inurirat niya.

Pati ang walang katapusang issue na bading daw si Cong. Roman ay nagawa niyang itanong kahapon kaharap ang kanyang fiancée na si Shalani na sa totoo lang ay mas malaki nga ang iginanda simula nang maging sila ng kongresista at abogadong galing sa kilalang pamilya.

“Matagal na pong tsismis ‘yan. Ganun naman po sa pulitika. Kasi dalawa ang issue. ‘Yung isa, sinasabi nila gay ako. ‘Yung iba naman nagsasabi na may anak ako. Pero at the end of the day, alam ko po ang totoo. So hindi ako apektado,” katuwiran ng mukhang bagets na kongresista na 44 years old na pala habang holding hands sila ng mapapangasawa niyang councilor ng Valenzuela.

So wala ka talagang anak?

“Naku wala ho talaga. Kung meron, hindi ko tatanggihan,” mabilis na sagot ni Cong. Roman na sinundo pa ang kanyang fianceé sa Valuenzela.

Actually, para talaga kay ‘Nay Lolit ang lunch na ‘yun dahil first time niyang naka-one-on-one ang mapapangasawa ng alaga niyang si Shalani.

Noon pa raw sana sila nagkita-kita pero hindi puwede ang mag-dyowa ng lunch.

So kahapon finally, natuloy na at sabit pa kami.

Sinabi rin kasi ng nanay ni Shalani na dapat ding hingin ni Atty. Roman ang kamay ni Shalani sa kanya (Lolit) since manager nga ito ni Shalani.

Pero hindi naman yun sineryoso ni Nay Lolit. Nagkausap lang sila one time sa telepono at doon na sila nag-agree na ituloy na ang nasabing lunch.

Hindi lang actually si Cong. Roman ang nabalitang may anak. Kahit si Shalani ay nabalita rin noon na may itinatagong anak pero talagang wala kaya hindi rin naman tumagal.

Samantala, aminado ang ikakasal na nag-consult sila sa feng shui expert kung ano ang pinaka-best date para sa kasal nila next year.

January ang sinabi nina Cong. Roman at Shalani pero wala pa naman daw final. Basta ngayon inaayos na nila ang lahat ng details.

Bukod sa wedding preparation, inaayos na rin nila ang lilipatang bahay pagkatapos na pagkatapos ng kasal nila. Dalawang bahay ang plano nila. Isa sa Pasig kung saan congressman si Roman at isang bahay sa Valenzuela para naman sa mga kababayan ni Mrs. Romulo to be.

Nang tanungin kung ilang anak ang balak nila, basta kung ilan daw, ok sa kanila.

After the wedding, hold muna ang honeymoon. Paplanuhin pa nila kung saan at kung kailan maluwag ang trabaho nilang dalawa.

Bambbi Fuentes relate na relate sa No Other…

Sobra-sobra ang papuri ng sikat na makeup artist na si Bambbi Fuentes sa pelikulang No Other Woman. “Nakaka-relate ako,” simula niya.

“Pareho ko nang na-try ang character ni Anne (Curtis, other woman) at Cristine (Reyes, real wife in the movie),” sabay tawa ni Bambbi nang makatsikahan ko kahapon sa kanyang Hair and MakeUp Studio for Men and Women (#98 Timog Ave., corner Ybardolaza , Q.C., telefax – 411-24-87, 927-1998 telephone number and bambbifuentessa[email protected]).

“Iyak talaga ako nang iyak,” pahabol pa niya.

Puno pa raw ang mga sinehan nang manood siya last Monday night.

Maganda ang word of mouth ng pelikula kaya mas marami pang gustong manood nito.

Anyway, si Bambbi ang fav­orite makeup artist ni Marian Rivera.

vuukle comment

BAMBBI

BAMBBI FUENTES

KUNG

LOLIT SOLIS

MARIAN RIVERA

NAY LOLIT

NILA

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with