^

PSN Showbiz

Toni dedma kahit may mahal na iba si Direk Paul

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi nagseselos si Toni Gonzaga na malamang “mahal” ni Direk Paul Soriano si Maja Salvador. Marami naman kasing mahal ang boyfriend niya, at maging siya rin, pero sila lamang ang nag-iibigan.

Naniniwala si Toni na iba ang pagmamahal sa pag-ibig. At kung minamahal man ng boyfriend niya ang artista nito sa Thelma, ito ay sa dahilang ibinigay nito ang lahat ng nalalaman sa pag-arte para mapaganda ang lead role. Na-appreciate naman ito ng husto ni Direk Paul dahil napaganda ang kabuuan ng pelikula.

Pero sino naman ang kukuwestiyon sa kagali­ngan ni Maja bilang artista? Hindi siya isang Salvador ng ganun na lamang. Talagang ipinamamalas niya na nakuha niya ang kagalingan sa pag-arte ng lahi nila. Maski nga ako kinikilala ko ang kahusayan niya. ’Yun nga lamang hindi nag-effort ang young actress na i-acknowledge ito.

Shalani makakaalis na sa anino ni P-Noy

May boyfriend na si Councilor Shalani Soledad. Isa itong congressman, si Cong. Roman Romulo. Good news. It’s about time para hindi na siya natsitsismis sa host ng TV5 game show at kung kani-kanino. Sa ganda niya, nakapagtataka nga na hindi siya nasusungkit ng isang binata na bagay ang katayuan sa kanya.

Ako happy para sa kanya at sana magkatuluyan talaga para matanggal na sa listahan ng mga dalagang walang boyfriend ang magandang konsehala ng Valenzuela.

At para mawala na sa kanya ang taguring P-NOY’s ex.

vuukle comment

COUNCILOR SHALANI SOLEDAD

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

ISA

MAJA

MAJA SALVADOR

MARAMI

MASKI

ROMAN ROMULO

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with