^

PSN Showbiz

Hazel malaki ang bilib kay Raffy

- Ni KC -

MANILA, Philippines - Eliminated na after nine weigh-in, week 11 ng The Biggest Loser Pinoy Edition si Hazel Chua.

Starting weight - 206 lbs pero nang lu­mabas siya ng camp ng TPBL 172 lbs.

Bukod sa pumayat siya, na-in love pa siya sa loob ng kampo. Nagkaroon sila ng kiligan moments ng kapwa niya contestant na si Raffy.

Sayang nga at naalis agad siya. Ang dami na sana nilang following ni Raffy.

How was your experience staying at the BL camp?

“It was really a life changing experience. Mas nakilala ko kung sino si Hazel because of Biggest Loser. I never imagined na kaya ko pala. The BL camp really changed how I view life. I'm more confident with myself now,” sabi ni Hazel.

In fairness, wala naman daw siyang pinagsisihan sa pagsali niya.

“No, nothing at all. If there is one thing siguro na pagsisisihan ko is nung time na nagdalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pagpasok sa BL camp kasi I got scared na people might criticize me. Buti na lang nilakasan ko ‘yung loob ko and decided to pursue my journey sa camp,” paliwanag niya.

Kino-consider niyang memorable ang bawat oras na nandun siya. 

Eh ano naman ang pinakamahirap na napagdaanan niya sa BL camp?

“I'd say the week that I was eliminated, ‘yun ang week na nag-Marine camp kami. That time, I really felt stressed and pressured. Isa ako sa mga nagsabing ‘ayoko na, gusto ko nang bumalik sa camp.’ Pero inisip ko na lang ‘yung mga pinagdaanan ko sa camp and kung ano ‘yung mga naituro sa akin. Number one is to never quit, quitting is never an option,” sabi niya.

So ano at sino ang mami-miss niya ngayong nakalabas na siya sa camp?

“I miss everything sa camp. Definitely, I miss Raffy. Gaya nga ng sinabi ko when I got eliminated, malaking parte si Raffy kung sino si Hazel ngayon, and I thank him for that.”

Ano ang balak niya ngayong lumabas na siya sa camp?

“Pagpapatuloy ko kung ano man ang mga natutunan ko sa camp sa paglabas ko. And I promised myself na sa finale bonggang-bonggang transformation pa ang mangyayari sa akin.”

Who do you think will be the first BL winner?

“I believe so much in Raffy and I know he'll do everything to be the first BLPE winner.”                                                       

vuukle comment

ANO

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

CAMP

HAZEL CHUA

NIYA

RAFFY

RAFFY AND I

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with