^

PSN Showbiz

Mariel give up na, ayaw nang magpakasal sa simbahan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong isang linggo ay lumipad patungong Europe ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez para sa kanilang pangalawang honeymoon. Kahapon ng umaga ay nakabalik na sa bansa ang dalawa bitbit ang magandang kuwento tungkol sa kanilang trip. “Okay na okay. Maraming lugar, una sa Paris muna kasi kailangan kaming dumaan dahil sa ating kababayan. Tapos nagpunta kami sa Rome. ‘Yun pinaka-importante siyempre Catholic si Mariel. Tapos pumunta kami sa Amsterdam tapos bumalik sa Paris, bagong kabanata ito sa kasiyahan na­ming dalawa,” nakangiting kuwento ni Robin.

Inamin din ng aktor na sinubukan daw nilang humingi ng permiso sa Vatican para makapagpakasal sila ni Mariel sa Simbahang Katolika. “Maraming hinihingi sa amin ang simbahan na hindi namin naibigay. Dalawang araw kaming nandun, inasikaso namin ng dalawang araw. ‘Di pa kami napagbigyan sa ngayon. Sana sa pagbalik, ako, hindi ako susuko. Sana si Mariel ‘wag din sumuko,” pagtatapat ni Binoe.

“Now I sort of know what I don’t want. Nagbago ang gusto ko, hindi ko na hinahangad ang church wedding. Ngayon ko lang sinabi, ‘di ko na hinahangad ngayon. Siguro darating tayo riyan, for now, ‘di na lang muna,” seryosong pahayag naman ni Mariel.

Mananatili naman daw ang matamis na pagmamahalan nilang mag-asawa pagkatapos ng kanilang pangalawang honeymoon. “When I first fell in love with Robin, I was really his world and then medyo naging busy ako, naging busy siya. Dito sa trip na ito naramdaman kong ako ulit ang buhay niya. Sabi ko nga, thank you for making fall in love with you all over again, and that is what marriage is all about to fall in love over and over again with the same person,” pagde-detalye pa ni Mariel.

‘Hindi Pa Ako Mamamatay’ - Vice

Nagpunta si Vice Ganda sa Hong Kong noong weekend kasama sina Kris Aquino, Liz Uy, at iba pang mga kaibigan.

Habang masaya silang nagbabakasyon ay kumalat ang balitang naaksidente at namatay diumano si Vice.

Noong Martes ay isang twitter post mula sa isang nagngangalang Tado Jimenez ang gumulat sa twitter world. Ayon kasi sa nasabing tweet ay nasangkot si Vice sa isang car accident habang nasa Hong Kong at hindi raw ito nakaligtas. Kinumpirma din daw ang nasabing balita ng website na PEP.PH. Agad namang nilinaw ng PEP na wala silang inilabas at kinumpirmang balita tungkol sa aksidente ng komedyante. Ano kaya ang reaksiyon ni Vice sa nasabing isyu? “Namatay daw ako sa Hong Kong? Car accident daw, anong car accident eh nagte-tren kami sa Hong Kong, hindi naman ako ku-mar dun,” natatawang pahayag ni Vice.

Nilinaw din ng komedyante na hindi ang artistang si Tado na dati niyang naka-alitan sa Showtime ang may-ari ng twitter account ang nag-post ng malisyosong balita. “Hindi naman si Tado Jimenez ‘yun. Poser ‘yun. Safe na safe ako at maganda. Maganda pa rin ako, unkabogable ako, hindi pa po ako mamamatay. Marami pa po akong pasasayahin na tao, dire-diretso pa rin ang happiness. Dedma na lang,” pagtatapos ni Vice.  - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

HINDI PA AKO MAMAMATAY

HONG KONG

KRIS AQUINO

LIZ UY

LSQUO

MARIEL

TADO JIMENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with