^

PSN Showbiz

Aga excited na sa Pinoy Explorer!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Tuloy na tuloy ang paglipad ng grupo ni Aga Muhlach para sa una niyang programa sa TV5 na Pinoy Explorer.

Excited na ang actor ngayon pa lang dahil host siya at hindi basta aarte lang.

Maglilibot sila sa Amerika para mag-shooting sa programa na eere every Sunday. Pambata ang concept nito at hindi lang basta travelogue.

May offer din si Aga na mag-host ng noontime show ng TV5 pero wala pang decision ang actor.

Tungkol naman sa pelikula niya, wala pa ring schedule dahil katuwiran niya, kakalabas pa lang naman ng pelikula nila ni Angel Locsion na In the Name of Love na isang certified box office.

Nakatsikahan namin ang actor sa birthday party ng manager at kaibigang si Tita Ethel Ramos na ginanap sa Annabel’s restaurant.

Kasama niyang dumating sa party ang asawang si Charlene Gonzales at anak na si Luigi kasama rin ang wife niya.

May dalang food for everybody si Luigi na isa nang Chef.

Actually, parang magkapatid na lang ang mag-ama. May isang apo na si Aga kay Luigi.

Si Charlene naman na regular host sa The Buzz ay excited na sa unang sabak ng anak nilang si Atasha sa stage play. Nakapasa sa audition ng The Sound of Music ang anak nilang babae.

Lahat ng nagtanong sa kanya tungkol kay Atasha, inaaya niyang manood ng nasabing play ng anak na mapapanood starting October sa Resorts World.

Kuwento nga ng mommy niyang si Tita Elvie Gonzales, mas grabe ang pagiging stage mom ni Charlene. In fact, pinapalabas daw niya during the audition ni Atasha dahil mas nauna pa itong kabahan kesa sa anak. Bakasyon ngayon si Atasha kaya nagpi-prepare na ito.

Bukod nga pala kina Aga at Charlene, present din sa party sina Sen. Bong Revilla and Representative Lani Mercado, Phillip Salvador, Mons, and Berna Tantoco at marami pang kaibigan ni Tita Ethel (nasa pictures).

Binalita ni Sen. Bong na last three shooting days na lang sila sa pelikulang Panday 2. Yup, kahit sa December pa ang Metro Manila Film Festival (MMFF). Mas magiging mabusisi raw ang special effects ng pelikula kaya maaga nilang sinimulan at ngayon nga ay matatapos na ang shooting.

Director na bf ni Toni, ‘di nakapasa kay Maja?

Totoo kayang sinubukang pormahan ni Direk Paul Soriano, boyfriend ni Toni Gonzaga si Maja Salvador nung time na ginagawa nila ang isang indie film?

Sa katunayan, nagsumbong pa raw si Maja sa karelasyon niyang si Matteo Guidicelli tungkol sa nasabing issue.

Parang mabait naman si Direk Paul para maging unfaithful siya sa girlfriend na si Toni.

Or baka naman gimik lang ito para sa promo ng movie nila para maka-create ng ingay.

Nora Aunor sinabayan ng baha sa Metro Manila

Grabe ang traffic kahapon lalo na EDSA. Gapang ang usad ng mga sasakyan mga bandang tanghali kaya hindi ko na pinilit makarating sa presscon ni Nora Aunor na ginanap sa Shangri-La EDSA.

Bumaha kasi pala dahil malakas ang ulan noong Lunes ng gabi. Imagine, lumubog ang area ng P. Tuazon kaya apektado ang EDSA.

Pero ang nakakaloka habang nasa kalagitnaan ako ng traffic at nakikinig sa radio program ni Julius Babao, may isang MMDA personnel na nag-a-update na moderate to heavy daw ang traffic mula West Ave-EDSA all the way to Cubao. Mali ang report niya dahil super heavy ang traffic that time.

‘Yun namang isang taga-DOST at isang taga-PAG-ASA, parehong nagsabi sa ere na maghahapong mararanasan ang pag-ulan. Helloh, hindi na umulan pagka-report nila hanggang gumabi na.

Hindi mo talaga mapi-predict ang panahon kaya sana ‘wag silang magsabi ng forecast.

Kasi like kahapon, sobrang traffic, suspendedo ang lahat ng klase at pinauwi ang mga government employees, eh hindi na umulan.

Nagagalit na ang kalikasan kaya siguro ganito ang panahon. Ayaw tayong tantanan ng bagyo.

Imagine, pinagpuputol ng DPWH ang mga punong kahoy sa kahabaan ng Quezon Ave. tapos hina­yaan nilang mabulok doon. Ginagawan kasi ng underpass ang Quezon Ave. na binaha kahapon.

Agree ako sa sinabi ni Julius Babao, baka maging dagat ang underpass na ginagawa oras na matapos lalo na sa panahon ng tag-ulan. ‘Yun ngang wala pa ‘yun, binabaha na.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSION

ATASHA

BERNA TANTOCO

BONG REVILLA

JULIUS BABAO

LUIGI

NORA AUNOR

QUEZON AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with