^

PSN Showbiz

Jericho magta-trabaho habang nag-aaral sa New York

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Huwebes ay umalis si Jericho Rosales papuntang Canada para sa ilang series of shows para sa TFC Kapamilya subscribers. Pagkatapos daw ng shows ng aktor sa Canada ay agad siyang pupunta sa New York para naman sa kanyang plano na makapag-aral doon. “From the tour, diretso na ako sa New York, naghihintay na ang apartment ko roon. Mawawala ako ng two months. Acting, gusto ko lang mag-aral ulit para masubukan, ito ang trabaho ko, gusto ko lang i-enhance,” pahayag ni Jericho.

Nakahanda rin daw si Echo kung sakaling magkakaroon siya ng offer sa New York. “Kung meron, kung may job opening bakit hindi di ba? But the school offers that if they see you’re good, they’ll send you to auditons. Doon ako excited din,” dagdag pa ng aktor.

Mayroong isang pelikulang gagawin si Jericho pag-uwi niya sa Pilipinas sa September.

Piolo at KC ayaw kaladkarin sa showbiz si Inigo

Kumalat ang balitang nagkausap na raw sina KC Concepcion at ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Nagkita raw kasi sa London sina KC at Inigo kamakailan at doon daw naganap ang nasabing pag-uusap. “Hindi pa nakakapunta ng Europe ang anak ko, nandito ang anak ko. He’s been here with me. It’s something na ayaw ko munang i-touch because as much as possible gusto kong ihiwalay ‘yung buhay ng bata sa showbiz life ko,” paglilinaw ni Piolo tungkol sa isyu.

“Ayoko nang usapang ganyan. I want to keep his life private. Wala siya sa showbiz,” sagot naman ni KC.

Enrique, sinampal ng co-star

Nakatikim ng sampal si Enrique Gil mula sa kanyang leading lady sa Good Vibes na si Linn Oeymo.

Nangyari raw ito habang nagte-taping sila ng kanilang serye kamakailan.

“Ang nangyari kasi, ‘yung eksena namin, ito ‘yung sasagutin na ni Geline si Troy. Tapos sabi ni Direk, reaction shot daw, walang kiss or anything. Tapos after ng eksena sa ending na after naming sabihin ‘yung lines so parang reaction shot lang naming ‘yung feeling ko kasi malapit ‘yung mukha, parang medyo lumalapit ‘yung ulo namin. Ang alam ko walang kiss, nagtanong ako, direk may kiss ba? Tapos nagtawanan lahat. Siyempre si Linn kasi bata pa, nagulat siya, natawa, ‘yung first reaction niya she got off guard, sampal pero she didn’t mean na galit parang loko-loko lang,” pagde-detalye ni Enrique.

Ayon naman kay Linn ay hindi naman daw siya nabastos sa nasabing insidente. “Conscious lang. It’s not like I hate him or whatever. I wanna say sorry sa mga fans. For me and for Enrique, we’re okay naman, friends naman,” paglilinaw naman ni Linn. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

GOOD VIBES

INIGO

JERICHO ROSALES

LINN OEYMO

LSQUO

NEW YORK

TAPOS

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with