^

PSN Showbiz

Kill BB, Robin tinakasan ni BB kahit bayad na sa gagawing pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay nasampahan ng kasong violation against women and children’s act si

Royette Padilla

ng kanyang asawang si

Jane Shirley Padilla.

Pagkalipas ng ilang araw ay agad namang inurong ng misis ang nasabing demanda laban sa kanyang asawa.

Ayon sa kapatid ni Royette na si Robin Padilla, hindi naman ito nakaapekto sa kanilang pamilya. “Away mag-asawa ’yun, kanya-kanya tayong teleserye ng buhay. ’Yung teleserye niya, ipagdarasal kong maayos sila, at naayos naman na pero para maapektuhan ako, hindi ’yun naging isyu sa pamilya,” pahayag ni Robin.

Samantala, nagbigay din ang aktor ng ilang detalye tungkol sa kapatid na si BB Gandanghari na kasalukuyang nasa ibang bansa. “May isang teleserye rin ’yung isang ’yun. Ako, happy ako sa kanya kasi pangarap niya ’yun. Meron nga siyang pelikulang ’di ginawa sa RP Productions, ’yung Kill BB, kasi gusto niya manggaling sa Amerika bago gawin pero bayad namin siya dun. Sisingilin namin siya,” nakangiting dagdag pa ni Binoe.

Ibinalita rin ng aktor na mukhang mapapadali na ang plano nilang pagpapa­kasal ni Mariel Rodriguez sa Vatican City.

“Meron kasing Pinoy noong nagpunta kami dati na nagtatrabaho sa Vatican. Marami siyang pinagdalhan sa akin sa loob ng Vatican dahil siya ang pinagkakatiwalaan, nakapasok ako.

“Ako, bilang asawa ni Mariel, gusto ko lang matupad ang church wedding. Kung hindi matupad sa mahal naming bayan, baka doon, sa pamamagitan ng kababayan doon, makasal kami. Malapit na ’yun,” pagtatapos ni Binoe.

Jessy inaaway na ng Kimerald

Si Jessy Mendiola na ngayon ang bagong kapareha ni Gerald Anderson para sa teleser­yeng Budoy. Masayang-masaya ang da­laga sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network.

Humahanga ang young actress sa mga kata­ngian ng young actor. “Mabait naman po si Ge­rald. Wala akong masasabi. Si Gerald sa layo nang narating niya, parang ’yung level niya nandun na, ganun pa rin po siya ka-humble. Nakatrabaho ko na po siya sa Kung Tayo’y Magkakalayo parang ’di naman po siya nagbago,” pahayag ni Jessy.

Handa na kaya si Jessy na harapin ang Kimerald fans na ang balita namin ay tutol sa pagtatambal nila ni Gerald?

“Ngayon pa nga lang po inaaway na ako eh. Sa Twitter, sa Facebook ng Kimerald, pero naniniwala naman ako na hindi lahat ng Kimerald ganun ang ugali. Parang alam ko naman po sobrang mahal lang po siguro nila si Kim (Chiu) at si Gerald na magkasama, pero eventually matatanggap naman po siguro nila kasi kung idol talaga nila si Ge­rald,” kuwento pa ni Jessy.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

GERALD ANDERSON

JANE SHIRLEY PADILLA

JESSY

JESSY MENDIOLA

KAPAMILYA NETWORK

KIMERALD

KUNG TAYO

MARIEL RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with