^

PSN Showbiz

Tatay ng sikat na singer malabong malulong sa casino, nasa nanay pala ang mga datung nila

-

MANILA, Philippines - Natawa ang isang malapit sa mag-asawang natsitsismis na hiwalay na.

Ang sinasabi kasing rason nang hiwalayan ng mag-asawang may anak na sikat ay pera. Nalulong daw sa casino at nambabae si daddy kaya hiniwalayan ni Mommy. “Nakakatawa naman ‘yang balitang ‘yan. Paano mangyayari ‘yun eh hindi naman si daddy ang humahawak ng pera sa bahay nila, si mommy. So paano siya magsusugal? Saka domesticated si daddy, hindi ‘yun lumalabas ng bahay,” comment ng source sa issue.

Hmmm. Tama nga naman. Paano makakapag-casino si daddy kung na kay mommy ang datung?

Kuha mo!

Hehehe.

PBO bonggang-bongga ang pa-birthday kay Sarah

Sa PBO Presents tuwing Sabado, 9:30 pm, muling balikan ang mga box-office hits ni Sarah Geronimo.

Ang top-grossing sequels nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love at You Changed My Life ay mapapanood sa July 16 at 23. Sa July 30, matawa, maiyak, at kiligin sa Hating Kapatid, kasama si Judy Ann Santos at Luis Manzano

Mga sold-out concerts naman ang highlight sa PBO Spotlight tuwing Linggo, 9:30 p.m. Ang concert ni Sarah na Sarah: The Other Side, kung saan mag-a-ala Thalia si Sarah, at ang Aliw Awards’ Best Major Concert ng 2005 na Night of the Champions ay mapapanood sa July 17 at 24. Sa ika-31, special guest si John Lloyd Cruz sa Sarah: The Next One.

Sa July 24, mula 1:30 p.m., tuluy-tuloy ang pagsalubong sa kaarawan ni Sarah, simula sa back-to-back concerts na Sarah In Motion at Record Breaker. Huwag ding palalampasin ang Popstar Diaries marathon.

Limang pelikula at concerts ni Sarah ang bubusisiin sa DT5, 7:30 pm, susundan ng Behind the Scene with Sarah at Night of the Champions. Ang mga paboritong music videos ng Popstar Princess ang tampok sa OPM TV, 11:30 p.m. At madibdibang interview with Sarah ang laman ng All Out With Nicole Hiyala, 12 ng hating-gabi. Sa July 25, mismong birthday ni Sarah, simula 1:30 p.m., dadalhin ka ng Popstar Diaries sa kanyang iba’t ibang activities, tulad ng photo shoots, rehearsals, recordings, hanggang sa concert tour sa Amerika, at marami pang iba! 

Tuwing Martes, July 19, and 26, mula 7:30 hanggang 9:30 p.m., siksik pa rin sa excitement ang back-to-back-to-back episodes ng Popstar Diaries.

Sa July 29, Biyernes, 9:30 p.m., tutok na sa cable premiere ng What Love Is, ang smashing concert nina Sarah at Concert King Martin Nievera.

Mapapanood ang PBO sa Cignal Digital TV Channel 47, Destiny Cable Channel 38, CableLink Channel 46, Telmark Channel 36, at sa iba pang nangungunang cable networks nationwide. Mag lo­g-on sa www.viva.com.ph para sa pinakabagong PBO programming schedule.

Solenn namamayagpag!

Ang commercial model at aktres na si Solenn Heussaff ang napiling endorser ng isang bagong produkto ng Ginebra San Miguel, Inc.

Si Heussaff, isang Pinay na may lahi ring Pran­ses ay siyang magiging mukha ng alcopop brand na Antonov Vodka Mixed Drinks. Masayang-masaya ang 24-anyos na dalaga sa pagkakataong ito.

“I am very happy to endorse Antonov. It’s definitely my kind of drink and should be the next big thing for Filipinos who love to party instantly,” wika ni Solenn.

Sinabi pa nitong pare-pareho niyang gusto ang Antonov flavors Apple, Ice at Mandarin Orange na mabibili sa 250 ml bottles.

Naniniwala ang Antonov na malaki ang maitutulong ni Solenn. “Based on our research and extensive studies, we saw her as the best choice to promote Antonov Vodka mixed drinks. The compatibility of Antonov and Solenn is simply too hard to ignore,” wika ni Ginebra San Miguel marketing manager Nelson S. Elises.

Idinagdag nito na maganda rin ang naging pagtanggap sa kanya ng mga dealers ng Ginebra San Miguel, Inc. noong una siyang ipinakilala bilang brand ambassador.

Si Solenn na minsan nang naging cover ng sikat na men’s magazine, ang FHM, ay isa sa mga sumikat mula sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Isa rin siyang commercial model sa Thailand, China, Malaysia, Singapore at maging sa Pilipinas.

“The different sides of her personality make her an exciting brand ambassador for Antonov’s mixed drinks. Antonov’s mixed drinks, which are now in the market, are the next in-thing for Filipinos who love a great time,” dagdag pa ni Elises.

vuukle comment

ANTONOV

GINEBRA SAN MIGUEL

JOHN LLOYD CRUZ

NIGHT OF THE CHAMPIONS

POPSTAR DIARIES

SA JULY

SARAH

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with