^

PSN Showbiz

Hindi nagiging inspirasyon...Magagandang bahay ng mga artista kinaiinggitan lang

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nauuso na naman ‘yung pagpapakita ng mga bahay ng celebrities sa TV. Bagaman at maganda  at nakakaengganyo itong panoorin, marami rin ang nagkakaroon ng panaghili o selos dahil imposible silang magkaroon ng ganun kaganda at kalala­king bahay hindi lamang dahil sa tamad sila o walang diskarte kundi anuman ang gawin nila, mahirap lang sila, may trabaho man ay sapat lamang ang kinikita para sa araw-araw na pangangailangan.

Sa halip na magkaroon sila ng inspirasyon sa mga nakikita nila, ang nararamdaman lamang nila ay pagkainggit dahil hindi lahat ng tao ay nilikha ng pantay-pantay.

That’s pumatok sa PP

Ang daming bumabati sa akin matapos maipa­labas ang That’s Entertainment na naging tema ng Party Pilipinas nung nakaraang Linggo. Hinati ang mga performers sa show sa limang grupo at pinaglaban-laban sila. Nanalo ang Friday group na ni-represent ni Isabel Granada.

Bago nag-Linggo panay pa ang dasal ko na sana, makatulong kahit paano sa show ang gagawin nilang tema. I’ve missed That’s…  so much that I wanted it to have an impact sa PP. Baka kako makapagbigay ito ng magandang alaala sa lahat. Hindi naman ako nabigo, napakataas ng rating ng PP nung Linggo. Obvious na maraming naka-miss sa That’s… OA ba ako na makitang maluha-luha  sa screen?

Pero nag-nostalgia ako, talagang bumalik ‘yung mga masasayang araw ng That’s, nang ang lahat ng kabataan ay nangangarap makabilang sa show.

Salamat PP sa muling pagbibigay sa akin ng masasayang alaala na dadalhin ko na hanggang sa kabilang buhay.

Regine pumanget na!

Ako, hindi pa nagsasalita sina Ogie at Regine Velasquez Alcasid na lalaki ang magiging anak nila ay alam ko na ito agad. At base lang ito sa napakaraming buntis na nakita ko na. Karamihan sa nakita kong buntis na hindi maganda nung buntis sila ay lalaki ang nagiging anak. ‘Yung mga nagbu-bloom na preggy, babae ang dinadala sa kanilang sinapupunan.

Si Regine when I saw her in Party Pilipinas, bago pa niya inanunsiyo ang kasarian ng kanilang magiging anak, sabi ko lalaki ang dinadala niya. Sa aminin man o hindi ni Regine, hindi siya maganda ngayon. At mukhang umitim pa siya.

Pero pagka-panganak niya ay babalik din sa dati ang kulay niya, ang ganda niya, ang kinis ng balat niya.

Ang pagiging hindi maganda is the price she has to pay for having a child, at maliit na bagay lang ito kumpara sa pagiging isang babae sa tunay na kahulugan ng salitang ito.

Congrats Mr. & Mrs. Ogie Alcasid.

vuukle comment

ALCASID

ISABEL GRANADA

LINGGO

OGIE ALCASID

PARTY PILIPINAS

PERO

REGINE VELASQUEZ

SI REGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with