^

PSN Showbiz

Higante-seryeng Bangis ng TV5 nagbibigay ng aral!

-

MANILA, Philippines - Nakilala na ang bagong best friend ng bayan na si Bangis—isang dam­buhala ngunit mapagmahal na prehistoric creature. Hindi man pang­karaniwang nilalang, pihadong mapapamahal ka naman sa kabutihan at busilak na puso ng matalik na kaibigan na ito ng batang si Eboy, na gagampanan ng bagong child actor na si BJ Go.

Magtuturo rin ito nang magandang aral sa mga bata at sa buong pamil­ya ang higante-seryeng ito ng TV5, tulad ng pagmamahal sa ala­gang hayop, sa kaibigan at sa kalikasan.

Si Anjo Yllana ang magbibigay-boses sa karakter ni Bangis. Ipinakikilala rin ng serye ang mga cast nito kabilang sina Oyo Sotto, Danita Paner, Felix Roco, Wendy Valdez at Rodjun Cruz. Kasama rin sa Bangis sina Yul Servo, Miriam Quiambao, Katherine Luna, Bayani Agbayani, Marissa Sanchez, CJ Caparas, Jazz Ocampo, Mavi Lozano, Mr. Danny Javier, at Ms. Tessie Tomas. Matutunghayan din ang mga batang aktor na sina Gerald Pesigan at Junyka Santarin.

Napanood na ito simula noong Lunes (Hulyo 4) sa Primetime Panalo ng TV5.

vuukle comment

ANJO YLLANA

BANGIS

BAYANI AGBAYANI

DANITA PANER

DANNY JAVIER

FELIX ROCO

GERALD PESIGAN

JAZZ OCAMPO

JUNYKA SANTARIN

KATHERINE LUNA

MARISSA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with