^

PSN Showbiz

Angel nakatulong sa panalo ng Azkals

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi mapapasubalian na napakalaki na ang iniangat ng popularidad ng sport na football sa bansa simula nang makilala ang mga manlalaro nito na ang maituturing na pinakasikat ay si Phil Younghusband.

Matatandaang nauna itong makilala nang sumali sa Celebrity Duets ng GMA 7. Pero higit na kasikatan ang ibi­nigay sa kanya ng pagiging Philippine Azkals member niya. Hindi lamang niya napasikat ang sport na football di­to, napasikat din siya ng nasabing sport. All of a sudden, marami nang gus­tong makaalam kung ano ang sport na ito at kung paano ito nilalaro.

At marahil talagang nakatakdang maging pa­ngu­nahing sport ang football sa bansa kung ibabase sa suporta na ibinigay dito ng napakaraming tao na dumayo ng Rizal Sports Arena para panoorin ang laro ng Azkals na kung saan ay nagwagi sila versus Sri Lanka.

Marami sa na-interview went not only to see the game but also to see Angel Locsin in person. True indeed, the beautiful actress was present kasama si Bubbles Paraiso. Hindi lamang siya nanood, nakita pa rin siyang pumapalakpak at nagtsi-cheer para sa ating koponan, siyempre mas kay Phil. 

Sam walang masyadong kaibigan

Bakit kaya may mga issue na walang masyadong kaibigan si Sam Pinto sa Kapuso Network.?

Tuloy, kahit matagal-tagal na rin siyang Kapuso ay malayo raw sa kanya ang loob ng kanyang mga kasamahan sa istasyon.

Sana hindi, dahil sayang si Sam. At kung totoong may attitude problem ito, sana gawan niya ng paraan para magbago at maunawaan ng kanyang mga bossing at kasamahan. 

That’s binuhay ng Party Pilipinas

Salamat sa GMA, sa Party Pilipinas mis­mo dahil muli nilang binuhay ang That’s Entertainment. Sa kanilang palabas nung Linggo, hinati nila ang mga performers sa li­mang grupo at pinaglaban-laban sila. Bawat grupo was represented by a member of the original That’s member. Like si Chuckie Dreyfus, sali sa Tuesday, si Sheryl Cruz sa Wednesday, si Cris Villanueva sa Thursday, si Isabel Granada sa Friday, etc.

Ang saya-saya ko kahit na-miss ko ’yung mga ibang miyembro ng That’s na marami ay nasa kabilang istasyon na. Wish ko na sana bumalik na ng tuluyan ang That’s.                                       

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AZKALS

BUBBLES PARAISO

CELEBRITY DUETS

CRIS VILLANUEVA

ISABEL GRANADA

KAPUSO

PARTY PILIPINAS

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with