^

PSN Showbiz

Annabelle Rama nag-aapoy sa galit, TF ni Richard kinaltasan ng P1 M nang magkasakit

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nasa fighting mode pa si Tita Annabelle Rama nang makatsika namin sa birthday dinner ni Jojo Gabinete sa Café Juanita last Saturday. Nagliliyab ang galit niya kay Ms. Wilma Galvante, vice president for entertainment of GMA 7. Kasi pala binawasan ng more than P1 million ang talent fee ng anak niyang si Richard Gutierrez eh may sakit ito kaya hindi nakapag-taping ng ilang araw para sa Captain Barbell at pakiramdam niya ang nasabing exec ang may pakana ng lahat.

“Hindi ba puwedeng magkasakit ang isang tao?” tanong agad ni Tita Annabelle.

Ang pakiramdam niya, entitled ang anak ng sick leave dahil guaranteed contract ang pinirmahan nito sa network.

Bago namin siya nakatsikahan sa nasabing dinner, nauna na siyang nagpadala ng mga text messages tungkol sa matindi niyang galit kay Ms. Galvante.

“Hinahamon kita sa lahat ng gusto mong away. Mabait akong kaibigan, demonyo akong kaaway,” last part ng kanyang text message na ayon sa kanya ay walang ginawa ang kanyang maid last Saturday morning kundi ang mag-text sa mga kaibigan tungkol sa ‘ginawa’ nga na pagbawas ng talent fee ni Richard.

“Kasi ako, hindi takot kahit kanino basta tungkol sa anak ko. Pinaghirapan ko silang ilabas kaya ipaglalaban ko hanggang buhay pa ako,” kasama sa text message niya.

Matagal na ang nasabing away nila ng TV exec na umabot pa sa demandahan.

* * *

Nakatsikahan din namin sa birthday blow out ni Jojo si QC Councilor Alfred Vargas na malaki na pala ang ipinayat.

Mga middle of July sila aalis papunta ng Milan, Italy para ihatid ang kanyang misis na almost seven months nang preggy.

Pero hindi pa nila alam ang gender ng second baby nila.

At sinita siya ni Tita Annabelle: “Uy hindi mo ako inimbitahan sa binyagan ha.”

Binyagan ’yun ng panganay nina Alfred at ng wife niyang si Yasmine Espiritu. Doon biglang naalala ni Alfred na kay Tita Annabelle niya unang naipakilala si Yasmine nang magkita-kita sila noon. 

Pramis ni Alfred ninang si Tita Annabelle sa kanilang kasal. Sa civil wedding pa lang kinakasal ang dalawa — sa Supreme Court last August.

* * *

Present din last Saturday night si Diana Zubiri na alaga ni Jojo.

Second year college na si Diana sa isang exclusive school. At naisasabay niya ang pag-aaral sa pag-aartista. Pero ngayon kasi naghihintay pa rin siya ng assignment sa GMA 7 dahil after ng Nita Negrita, wala pa siyang trabaho.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANNABELLE RAMA

CAPTAIN BARBELL

DIANA ZUBIRI

JOJO

JOJO GABINETE

KASI

MS. GALVANTE

NITA NEGRITA

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with