^

PSN Showbiz

Pakiusap ni Pacman, 'Wag n'yo nang interbyuhin si Mommy D.'

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Sa May 30 na magsisimula ang pinaka-malaking epicserye ng GMA 7 na pagbibidahan ni Marian Rivera, ang Amaya.

Sa presscon pa lang nito ay kitang-kita na kung gaano kaambisyoso ang proyekto at kung paano ito ginastusan nang husto ng GMA 7.

Ayon kay Marian, malaking challenge tuwing may bago siyang proyekto pero kakaiba raw itong Amaya dahil first time niyang mapapasabak sa original at hindi remake na story.

Isa pa sa napag-usapan namin ni Marian sa presscon ng Amaya ay ang tungkol sa pakikipaglaban nito as Sexiest Pinay ng FHM.

Ilang linggo ring namamayagpag si Marian bilang number one sa FHM’s Sexiest Pinay pero biglang naungusan siya ni Sam Pinto at naging number 4 na lang si Marian.

Hindi naman daw isyu kay Marian dahil kahit hindi pa raw siya nagpo-pose sa cover ng naturang men’s magazine, natutuwa naman siyang nasa top ten pa rin siya.

PAK : Totoo kayang pagkatapos daw ibigay kay Bianca King ang lead role ng bagong dramarama sa hapon ng GMA 7 na Sentensyada, nagpa-dinner daw ito sa mga writers at ilang production staff para pag-usapan kung ano pa ang puwedeng bida role sa kanya?

Nagbigay pa raw ito ng profile niya at hiningan ng opinyon ang mga writers kung ano pa ang puwede niyang gawin bilang bida.

Sobrang kinakarir daw nito ang pagbibida for the first time.

BOOM : Nakiusap na si Cong. Manny Pacquiao sa media na kung maaari’y huwag na raw interbyuhin ang Mommy Dionisia niya tungkol sa mga national issues na hindi naman ito kailangang hingan ng opinyon.

 “Huwag na sana nilang tanungin si Mommy D ng tungkol sa RH bill dahil hindi naman siya kailangang hingan ng opinyon.

“Kahit anong pagkakamali ang nagawa niya, sa kanya pa rin ang suporta ko siyempre dahil nanay ko ‘yan,” himutok ni Manny.

Kabi-kabilang paninira kasi ang inabot ni Mommy Dionisia nang magbigay ito ng komento tungkol sa RH bill, pero ang mga kabadingan ang tinira nito.

Sey ni Mommy Dionisia : “Tingnan mo ang mga bakla, kaiinom ng pills, hindi na bagay ang iniinom ng mga bakla kasi lalake sila. Ginawa sila ng Diyos na lalake. Umiinom sila ng pills para magsilaki ang dede. Bawal yan!”

Kaagad na nag-react ang ilang grupo ng mga kabadingan, na obvious namang hindi naintindihan ni Mommy Dionisia ang tungkol sa RH Bill.

Sinabi lang niya iyun na tila nagpapatutsada kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Kaya ang pakiusap ni Manny, huwag na raw sanang interbyuhin ang Mommy Dionisia niya tungkol sa RH Bill.

vuukle comment

AMAYA

BIANCA KING

MARIAN RIVERA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MOMMY D

MOMMY DIONISIA

SEXIEST PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with