^

PSN Showbiz

Singer-actress nilantakan ang icing ng cake kahit lumang-luma na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nilinaw ni Jennylyn Mercado na magkaibigan lang sila ni Luis Manzano kahit inamin na nilang dalawa na “exclusively dating” sila.

 “Hindi ibig sabihin na exclusively dating eh kami na. Siyempre, hindi pa rin ako handa. Si Luis naman, willing naman ’yang maghintay,” natatawang pahayag ni Jennylyn nang mag-guest co-host ito sa Showbiz Central kamakalawa ng hapon.

Nang magsalita si Luis sa kanyang showbiz talk show nung Sabado, kaagad namang kinunan ng Startalk ng reaksiyon si Jennylyn at natutuwa ito dahil napaka-sweet at napaka-gentleman ni Luis kung paano siya ipinagtanggol sa mga kontrobersiyang pinagdaanan nito.

Pero diin ni Jennylyn, hindi pa siya handang umibig muli.

PAK: Nakakaaliw ang kuwento nitong singer-actress na kilalang may pagka-praning-praning na nag-guest sa isang daily show.

Nag-celebrate ang isa sa mga hosts ng programa ng show na isi-celebrate nila ng isang linggo.

Siyempre, araw-araw iba-iba ang guest. Pero ang malaking cake na inihanda para sa host ay buong isang linggong naka-display sa set.

Walang puwedeng gumalaw sa cake dahil isang linggo itong gagamitin. Kaya naman ang icing ay parang naka-freeze para magmumukhang bago pa rin.

Heto na si singer-actress na naka-schedule ang guesting ng Biyernes, na bale huling episode ng birthday celebration ni lady host.

Naloka ang staff dahil namataan nila si singer-actress na nilalantakan ang icing ng cake na nung Lunes pa nai-deliver ng sponsor.

Hindi na nila masabihan si singer-actress na luma na ang cake na ’yun kaya hinayaan na lang nila.

Kasi naman natsitsismis ding may pagka-adik-adik itong si singer-actress kaya duda nila ay baka nakakarga ito kaya hindi na napansing may kalumaan na ang lasa ng icing na nilalantakan niya.

BOOM: Humingi ng paumanhin ang dating karelasyon ni Iwa Moto na si Mickey Ablan sa gulong ginawa nito sa townhouse ni Iwa nung nakaraang Linggo ng umaga.

Wala si Iwa nang sumugod doon si Mickey at ang nabulabog ay ang mga housemates ni Iwa kasama ang isa sa mga hosts ng Tweetbiz Insiders na si Justine Ferrer.

Takot na takot si Justine dahil pinagsisipa raw ni Mickey ang mga pinto ng bahay na ikinatakot nilang lahat.

Nagpa-blotter si Justine sa police station at balak nitong kasuhan si Mickey.

Sabi naman ni Mickey, sana maintindihan na lang siya dahil kaya nagawa niya ito ay dahil sa sob­rang pagmamahal niya sa seksing aktres.

Sinisikap ni Mickey na magkabalikan sila ni Iwa. Kung magkabalikan sila, papakasalan na niya ang aktres.

Itinatanggi nito ang matagal nang napabalitang kasal na silang dalawa.

vuukle comment

IWA MOTO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JUSTINE

JUSTINE FERRER

LUIS

LUIS MANZANO

MICKEY ABLAN

PERO

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with