^

PSN Showbiz

Rufa Mae nakabuyangyang ang boobs, singit, at kuyukot sa Facebook!

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Pasabog ang mga bagong pictorial ni Rufa Mae Quinto na nakabalandra sa kanyang Facebook account. Rufa Rocks ang drama ng sexy comedienne na talaga namang masisilip na ang kanyang boobs, singit, at kuyukot ha!

Feeling namin, may kinalaman sa birthday concert ni P-Chi ang seksi niyang pictorial na ito. Itutuloy na kasi niya ang pagiging concert producer niyang muli at sa May 28 ito magaganap sa Resorts World Hotel na itsinika niya sa amin sa taping niya ng Dwarfina.

Pero ang intriga, na-insecure si Rufa Mae sa mga kasama niyang girls sa Temptation Island. Kasi naman, alalay ni Lovi Poe ang role niya sa movie kaya damit pang-kasambahay ang suot niya. Unlike ’yung ibang girls na kahit punit-punit ang suot na gown, glamorosa pa ring tingnan.

Mukhang ayaw patalbog ni Rufa Mae kina Ma­rian, Heart Lovi at Solenn, kaya hayun at paandar at pasabog na seksing-seksing pictorial ang ibabalandra niya sa presscon ng kanyang birthday concert!

Aljur nawindang sa galing mang-akit ni Lovi

Nakunan na ang seduction scene ni Lovi Poe kay Aljur Abrenica nang makausap namin ang young actress sa Temptation Island shooting sa Ilocos Norte. Nawindang si Aljur sa galing ng kapareha sa eksena.

Natawa si Lovi, “Sa movies ko lang puwedeng gawin ’yon! Ginagawa ko ang best ko ’pag sa movies.”

Paano naman niya ginawa ’yon?

“I don’t remember eh. Medyo black out na ’yung paligid ko nun. I had to call Tito Leo (Dominguez, her manager) para turuan niya akong mag-motivate. Kasi I’m just thinking na it’s for the movie. Plus, sa ikagaganda ng pelikula,” paliwanag ng aktres.

Agresibo kasi ang character ni Lovi sa movie kaya nataranta si Aljur sa seduction scene nila.

Bulalas ni Lovi, “Ako talaga ang nag-initiate ng first move. Pagpasok pa lang niya, naka-posing na ako. Hahaha!”

Eh bratinela pa ang role ni Lovi sa movie kaya may eksenang kaaway niya sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Solenn Heussaff.

May sampalan pa sila ni Marian.

Pagdating naman sa personal niyang buhay, wala pang ini-entertain na suitor si Lovi. Trabaho ang idinadahilan niya kaya wala siyang sinasabing boyfriend ngayon. After all, friends pa rin sila ni Ex-Rep. Ronald Singson.

“Let’s just keep it that way. I’m stronger now. I won’t allow anybody to step on my toes now,” giit pa ni Lovi.                                                                          

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

HEART EVANGELISTA

LOVI

LOVI POE

NIYA

RUFA MAE

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with