^

PSN Showbiz

Sobrang tagal na 'di pa rin makabuo, panibagong baby sampung taon nang ipinagdarasal nina Richard at Lucy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

April 28, 1998 nang ganapin ang engrandeng kasalan nina Richard Gomez at Lucy Torres sa Ormoc.

Ngayon ay 13 taon na ang masayang pagsa­sama ng mag-asawa at nabiyayaan na rin ng isang anak na si Julianna.

Naikuwento sa amin ni Richard kung ano ang regalo sa kanya ni Lucy para sa kanilang 13th anniversary. “Si Lucy binigyan ako ng gift, binigyan niya ako ng compilation ng wedding video namin,” pahayag ni Richard.

“Yung wedding video namin, the one ABS covered thirteen years ago. I had it kasi maraming tapes iyon, I had it edited really nice. When he played it I think he fell in love with me like it was the first time,” nakangiting pahayag naman ni Lucy.

Nagbiro pa si Goma na ang kanyang sarili naman daw ang regalo sa asawa. Mayroon daw sikreto sina Richard at Lucy kaya napananatili nila ang kanilang magandang relasyon bilang mag-asawa kahit pa nagkakaroon ng mga problema minsan. “What’s important is you have an open line of communication, in times of crisis nagtutulungan kayo,” sagot ni Goma.

“We have our good days and bad days, we argue also, we have our little fights but there was never any incident that made me think either one of us should walk away or sasabihin na game over. It helps din na kaming dalawa we don’t like fighting. Siya (Richard), ‘di mahilig sa away, ako hindi rin naman madrama na tao,” pagtatapat naman ni Lucy.

Ngayong taon ay gusto na ring sundan nina Richard at Lucy si Julianna dahil matagal na rin nilang hinihiling ito.

“Another baby, two more, three more. That’s a thirteen year old wish that I hope it will come true soon in God’s time,” pahayag ni Lucy.

“Ako we’ve been wanting to have another child since Julianna came to life tagal na rin. It’s been ten years na. Sana bago matapos ang taon, pinapanalangin namin na magkaroon ng isa pa,” pagtatapos ni Goma.

Akting Ni Judy Ann hinahanap-hanap na ng kanyang katawan

Noong Huwebes ay nag-dinner date sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa kanilang second wedding anniversary.

Abala ngayon si Juday sa pagiging ina kina Yohan at Baby Lucho at pagiging maybahay naman kay Ryan, kaya hindi pa siya tuluyang makabalik sa pag-arte.

Hinahanap-hanap na rin daw ng aktres ang kanyang mga ginagawa bilang artista. “Oo naman! Nami-miss ko rin naman sila. Paunti-unti, paisa-isa, may mga trabaho naman na pumapasok pero hindi ko pa ma-commit ‘yung sarili ko sa pag-arte kasi wala pa ring one year si Lucho. Siguro, hindi ko kayang ma-miss ‘yung milestones ng anak ko tapos si Yohan ay big school na rin this school year so ito yata ang pinaka-importanteng taon sa aming mag-asawa para sa mga anak namin, kasi ito ‘yung times na hindi puwedeng walang guidance ng mga magulang. Waiting lang din po ako ng tamang project, habang naghihintay konting gym-gym muna ang mangyayari para mas maging fit lang, mas magandang tingnan sa screen,” pahayag ni Juday.            - Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKTING NI

BABY LUCHO

GOMA

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

JULIANNA

LUCY

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with