^

PSN Showbiz

Ibinuko ni Jinkee: Pacman hindi dyeta sa sex kahit may laban kay Mosley

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kundi napigilan ng management ng isang network, lumipat na sa TV5 ang isa nilang resident director.

Mabuti na lang at loyal pa rin ang director sa network na nagbigay sa kanya ng break, kaya nang kausapin ng management at bigyan ng bagong project, hindi nito itinuloy ang balak na paglipat.

Hindi kasi masyadong nag-klik ang last pro­ject ni direk na in fairness, hindi siya ang may kasalanan, kaya hindi siya nabigyan ng bagong directorial job at ‘dun pumasok ang idea na lumipat siya sa TV5.

* * *

Na-tweet ni Angeli Pangilinan-Valenciano na ni-record na ni Gary Valenciano sa KDS Studios sa Orlando, Florida ang Love Story na theme song ng In The Name of Love movie nina Angel Locsin at Aga Muhlach na showing sa May 12 at May 10 naman ang premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Kasama rin sa Star Cinema movie si Jake Cuenca bilang ka-love triangle sa pelikulang dinirehe ni Olive Lamasan at kung saan, pinag-uusapan sa Internet ang trailer dahil sa ganda.

Kahit TV5 talent na si Aga, wil­ling pa rin itong i-promote ang nasabing pelikula sa shows ng ABS-CBN at ‘di naman siguro magiging isyu ito sa network.

Ang hintayin natin ay kung maipo-promote ni Aga ang In The Name of Love sa TV5.

* * *

Kuwela ang sagot na “Yes” ni Jinkee Pacquiao nang ma-interview ng TMZ at tanungin kung makikipag-sex siya sa asawang si Manny Pacquiao bago ang laban nito kay Shane Mosley sa May 7 sa Las Vegas (May 8 dito sa Pilipinas).

Natawa rin ang nakapanood sa ginawa ni Jinkee nang tanungin dahil may kasamang head movements.

Iba na talaga ang mundo ng mag-asawang Manny at Jinkee, hindi na lang sila pang-local media, international na rin ang dalawa.

* * *

This Thursday na raw magpa-file ng demanda si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa ex niyang si Aiko Melendez dahil sa DM o Direct Messages sa Twitter account ng aktres sa isang kaibigan na lumabas at nakarating sa press.

“Yup” at “opo, anytime” ang sagot ni Aiko sa tanong ng followers niya sa Twitter kung ready siyang harapin ang kasong isasampa ng ex-BF na nakarelasyon niya ng almost four years.

‘Kalungkot naman, wala na nga silang relasyon, magkaaway pa at magkaka-demandahan pa.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AIKO MELENDEZ

ANGEL LOCSIN

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BULACAN MAYOR

DIRECT MESSAGES

GARY VALENCIANO

IN THE NAME OF LOVE

JAKE CUENCA

JINKEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with