^

PSN Showbiz

Hindi nabitay, never pang nakarating sa China, Beth Tamayo umaming nagtatago sa Amerika

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Pagdating sa love life ni P-Noy, tikom na talaga ang bibig ni Kris Aquino at ayaw na talaga niyang magkomento.

Ang latest na pinag-uusapan, break na ang ating presidente kay Len Lopez.

“I respect his privacy and I wish them well. Hahaha!” ang natawang sagot ni Kris dahil gamit na gamit na niya ang linyang “I wish them well.”

“Tama ’di ba? Ayoko papagalitan na naman ako. Magkikita pa kami tomorrow and ngayon love na love niya ako kasi ’di ba ’yung nag-DOH activity ako tuwang-tuwa siya sa akin, so gusto ko matuwa pa siya some more.”

PAK : Pak na pak ang kaseksihan ngayon ni Ruffa Gutierrez nang humarap ito sa movie press kahapon para i-endorse ang bagong body contouring procedure ni Dr. Vicki Belo na BodyTite.

Dahil kaseksihan na rin lang ang pinag-uusapan, tinanong namin si Ruffa kung sino sa mga local actors and actresses ang pinaka-sexy para sa kanya.

Ang top three sexy actresses para sa kanya ay sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, at Lovi Poe na napapansin niya ngayong sobrang blooming ito.

Sa mga local actors naman, top three para sa kanya sina Robin Padilla, Sam Milby, at Richard Gomez.

Para kay Binoe, “Although in his forties, he looks good, fresh, at may clean lifestyle. He doesn’t look like a lolo.”

At kay Sam, “He has a nice chest.”

At si Goma, “Forties na rin, at  nakakaeksena ko siya, he takes care of his skin and his body.

“Kasi mas importante ’yung how to take care of yourself kasi madali namang magpapayat at magpaganda if you’re in your twenties and when you’re young but if you’re older and still look good, ’yun ang achievement.”

BOOM : Si Beth Tamayo na mismo ang sumagot sa kumalat na balitang siya si Elizabeth Batain na isa sa tatlong Pinoy na binitay sa China kamakailan lang.

Nag-e-mail si Beth sa Startalk para pabulaanan ang balita.

Bahagi ng mensaheng pinadala: “I’m shocked kasi I have never been to China my entire life. I’m in the US. Sorry I won’t say na which state for my safety pa rin at sa mga naghahabol sa ex-hubby ko at baka habulin din ako. I’m a simple working girl. I miss Manila so much. Hopefully, I could go back anytime soon.

“Nakakatawa lang kasi bakit ako ang naisip agad just because Beth din ’yung name nung binitay? Ang dami namang Beth, why me? Just because I haven’t been in the surface?”

Gusto ring ipaabot ni Beth ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Batain.

Si Kris Aquino mismo ay pinabulaanan ang kumalat na balita dahil nakausap nito mismo ang pamilya ni Elizabeth Batain at gusto lang nilang mapanatili ang kanilang privacy kaya hindi sila lumalabas at hindi ipinakita ang mukha ng Pinay na binitay sa China. 

vuukle comment

ANNE CURTIS

BETH TAMAYO

ELIZABETH BATAIN

KRIS AQUINO

LEN LOPEZ

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with