^

PSN Showbiz

Solenn mayonnaise at Olive Oil ang pampaganda ng buhok

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May katapat na ang “I love women” statement ni Dennis Trillo ng “I like men so much to stick to one” statement naman ni Solenn Heussaff sa interview namin sa kanya after the special screening of Captain Barbell na pilot na bukas after 24 Oras.  

Nabanggit ito ni Solenn nang matanong sa kanyang love life dahil wala siyang BF lalo ngayong focused siya sa career sa rami ng mga projects. Bukod sa Captain Barbell, nasa Temptation Island siya at makaka-love scene si Paulo Avelino.

May nalaman pala kami kay Solenn, kabilang sa beauty secret niya ang paglalagay ng mayonnaise sa mukha at maglagay ng egg, mayonnaise, at olive oil sa hair. May Bikram Yoga rin siya every morning at isinasama niya sina Michelle Madrigal, Bianca King, at Ervic Vijandre.

*   *   *

Confirmed ang special relationship nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes dahil sumunod ang aktres kay Enzo sa birthday dinner ni Dinno Erece sa Mesa resto at sabay na silang pumunta sa post-birthday party ni Rocco Nacino sa Republique. Nag-blush ang aktor nang biruin namin kay Louise dahil katabi nito si Sarah Lahbati na unang na-link sa kanya.

Ang tsika, kapag dinadalaw ni Enzo si Louise sa taping ng Alakdana ay may dala itong pagkain gaya ng carbonara na ang binata mismo ang nagluluto. Sorry na lang sa mga fans nina Sarah at Enzo dahil si Louise na ang special girl sa aktor.

Magkasama ring dumating ang nali-link ding sina Rocco at Sheena Halili na pareho pang naka-white tops. Ganda-gandahan ang dalaga kahit walang makeup at dumiretso na sila sa birthday party ng aktor.

*   *   *

Nag-pictorial na si AiAi delas Alas ng publicity photos at para sa billboard ng Flawless, ang bago niyang endorsement. Si Jun de Leon ang photographer, kaya ganadung-ganado ang komedyante.

Ageless…Flawless ang tagline ng endorsement ni AiAi na siya mismo ang nagbuking sa Twitter. Ayaw kumpirmahin ng executive ng Flawless kung si AiAi nga ang susunod na magiging endorser nila, pero nag-spoiler si AiAi sa Twitter. Sa May pa ilu-launch ang comedienne as the newest Flawless endorser, pero marami na ang curious na makita ang kanyang mga litrato.

*   *   *

Magaling umiwas si Kylie Padilla sa press dahil hindi siya na-interview ng mga TV reporters na nag-cover sa birthday party na bigay ng GMA Artists Center kay Aljur Abrenica sa White House restobar. Ang sabi, nagmamadali ang dalaga dahil babalik sa taping ng Dwarfina at hinintay lang ang pagdating ng aktor.

Iniiwasan ni Kylie na matanong tungkol sa inang si Liezel Sicangco dahil nasulat na parang hindi ito pabor na engrossed na sa showbiz ang mga anak na sina Kylie at Queenie at pati ang pananamit ng magkapatid, hindi gusto ni Liezel.

Ang bilin ni Robin Padilla, ’wag na lang magpapa-interview para hindi na lumaki ang isyu at kung magpapa-interview man, tungkol na lang sa career. Pati Aljur questions umiiwas si Kylie, kaya pati ang aktor, extra careful din sa mga pahayag at paulit-ulit na “friends” lang silang dalawa.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARTISTS CENTER

BIANCA KING

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

DENNIS TRILLO

DINNO ERECE

ENZO

ENZO PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with